Categories
Celebrity News Latest Chika

Claudine Barretto picks Julia Montes as the better actress over Julia Barretto

Agree or disagree?

Naging kontrobersyal ang Instagram photo ni Claudine Barretto kasama ang nanay niyang si Inday Barretto matapos niyang sagutin ang isang follower.

Wala namang connection sa picture ang tanong pero sinagot pa rin ito ng actress.

Tanong ng follower, “Miss Claudine sino mas magaling na umarte as an actress si Julia Barretto o si Julia Montes?”

JULIA MONTES OF COURSE,” sagot ni Claudine sa fan.

Siyempre pa ay maraming fan ni Julia Montes ang natuwa sa sagot na iyon ni Claudine. Kakaunti lang din kasi ang nakakaalam na close sila sa isa’t isa.

View this post on Instagram

Another episode ngayong Sunday na…. ❤️

A post shared by Julia Montes (@montesjulia08) on

Kung may natuwa, mayroon din namang naintriga. Puwede naman daw hindi na lang sagutin ni Claudine ang tanong ng fan dahil puwede pa raw ito pagmulan ng “part two” ng awayan ng kanilang pamilya.

Inaabangan tuloy nila kung magko-comment dito si Marjorie Barretto na nanay ni Julia Barretto.

Debbie Castillo

By Debbie Castillo

Debbie Castillo is Pilipino Star NGAYON’s assistant editor for entertainment. She is also a painter, make-up artist and works with some charitable organizations.