‘Pinoy coded’ cake for EXO member Sehun goes viral on social media 

-

Tila natawa na lamang ang mga netizens sa kwelang cake na inihanda ng Oh Sehun Philippines, isang fanbase, para sa kanilang cupsleeve event bilang pagdiriwang ng birthday ng EXO member na si Sehun.

“Jusko Sehun alam mo na ngang walang pera nagpabili ka pa ng cake. Happy birthday!” saad sa dedication ng nasabing cake. 

Kwento ng Oh Sehun Philippines, “pinoy coded” umano ang theme ng kanilang cupsleeve event kung kaya’t naisipan nila na gawing ganito ang dedication ng cake para kay Sehun.

“Yung theme po kasi namin for this year’s birthday [ay] pinoy coded po. So sa kit namin instead na mga usual items like print outs inalign namin sya with pinoy childhood game like pogs teks paper dolls. Then we added yung customized party hat. Nag add rin kami ng loot bags filler gaya ng handy games na pambata like snake and ladders, jackstone, basketball para swak na swak sa pinoy theme,” pahayag nila sa exclusive interview ng Pilipino Star Ngayon Digital (PSND).

“And may nakita rin kaming meme na cake dedication na bagay sa birthday nya kasi mataas na ang bilihin kelangan pa syang bilhan ng cake,” dagdag pa nito.

Dahil dito, nag-iwan naman ng kani-kanilang reaction ang mga netizens.

“Magtatampo kasi yan pag di binilan ng cake tapos sasabihin uuwi na lang sya,” biro ng isa.

“HAHAHAHHAA bunso naman, pagbigyan na,” hirit pa ng isa.

“Aba syempre baby yang Sehunnie na yan, hindi pwedeng walang cake,” dagdag pa ng isa.

Matatandaan na ipinagdiwang ang birthday ni Sehun nito lamang April 12.

Regine Caldona
Regine Caldona
Regine Caldona is a chronically-online content producer. She loves vibing to feel good K-pop songs.

Latest

YOU MAY LIKE