‘Mas marami pang problema sa mundo ngayon’: Gerald Anderson answers question about settling down with Julia Barretto

-

Matchy-matchy ang mag-partner na sina Gerald Anderson at Julia Barretto sa kani-kanilang black outfits nang mag-attend ang mga ito sa ginanap na ABS-CBN Ball kamakailan lamang.

Ito rin umano ang first time na nag-attend ang dalawa sa naturang ball bilang official couple. 

Matatandaan noong 2021 nang isapubliko nina Gerald at Julia ang kanilang romantic relationship. 

Sa isang interview sa media, natanong ang mag-partner kung napag-uusapan na ba nila umano ang patungkol sa kanilang wedding.

“Speaking of endeavors, level up na ba? Napag-uusapan na ba ang you know, wedding, etc?” tanong ng isang reporter sa kanila.

“Sasabihin namin sa’yo? Mas marami pang problema sa mundo ngayon kesa ano… pero you know, darating tayo… basta. Basta,” sey naman ni Gerald. 

Maliban pa rito, shinare din ng aktor kung paano nanatiling strong ang relationship nila ni Julia.

“You know, maraming ups and downs eh, [sa] relationship, business, career, may mga ups and downs ‘yan. Ang importante, alam naman natin na [pag] nasa down, aangat ulit, and always stay humble kasi pababa ulit, and then aangat ulit,” pahayag niya.

“Basta never give up, siguro ‘yun ang ginagawa namin, ‘di kami naggi-give up sa mga endeavors namin and on each other,” pagpapatuloy pa niya.

Regine Caldona
Regine Caldona
Regine Caldona is a chronically-online content producer. She loves vibing to feel good K-pop songs.

Latest

YOU MAY LIKE