Julia Montes on her ‘special bond’ with Kathryn Bernardo: ‘Kami ang original love team’

-

Diretsahang ini-reveal ng aktres na si Julia Montes na hindi umano siya nakakaramdam ng pressure para sa upcoming movie nila ng aktor na si Alden Richards na “Five Breakups and a Romance.”

Ito ay matapos siyang tanungin ni Boy Abunda sa programang “Fast Talk with Boy Abunda,” kung nape-pressure ba umano ito dahil ang highest grossing film sa Philippine cinema ay ang pelikulang “Hello, Love, Goodbye,” na siyang pinagbidahan nina Alden at Kathryn Bernardo.

“Alden is coming into this project after four years of not doing a movie. Si Julia po na sobrang nakakamiss din, has not done a movie for eight years. So, is that a pressure, that the highest grossing film in Philippine cinema stars Alden Richards and Kathryn Bernardo?” tanong ni Boy kay Julia.

“Siguro po pressure siya in the sense of dahil ang paningin ng tao after nila Kathryn, kami po. But ako kasi mas proud po ako eh. Du’n ako tumitingin, kasi si Kathryn ’yun, eh,” sagot ni Julia. 

Sey pa ni Julia, imbes na makaramdam umano ng pressure ay proud siya para sa achievement ni Kathryn at supportive din ito sa kanya.



“Parang ate ako ni Kathryn na kapag may na-aachieve siya, ako ‘yung pinaka isa sa masasaya. So parang imbes na tingnan ko siya na parang nape-pressure lang, I’m proud na si Kathryn yung nandoon,” pagpapatuloy pa niya.

“Kung ibe-bless kami with this film, bakit hindi, we’re happy. And Kathryn is very supportive, after her film right now and kami yung susunod,” share pa nito. 

Chika pa ni Julia, “special” umano ang kanilang bond ni Kathryn.

“Parang natataon nga po na lagi kami ’yung nadidikit pero happy kami kasi ang lagi naming biro sa isa’t isa, ‘tayo ang original love team. Nami-miss na natin ang isa’t isa, kailan tayo gagawa?’ May ganun po kami and our bond is really special,” share pa ng aktres. 

“Bago pa nabuo ang mga love team-love team, kami na ang original loveteam. At ’yun ang love team na hindi matitibag sa’ming dalawa,” pagpapatuloy niya pa.

Kaugnay naman nito, nakatakda namang ilabas sa mga cinemas ang romantic drama film nina Julia at Alden na “Five Breakups and a Romance” sa October 18.

Regine Caldona
Regine Caldona
Regine Caldona is a chronically-online content producer. She loves vibing to feel good K-pop songs.

Latest

YOU MAY LIKE