Last year ay naging matagumpay ang daloy ng karera ni Sharon Cuneta kahit na madalas siyang magkasakit. Markadung-markado ang ginawa niyang concert na Iconic kasama si Regine Velasquez kaya naman ang kanilang fans ay humihirit pa ng isa pang concert. Pero ayon kay Sharon, gusto na muna niyang magpapahinga. Bukod sa mga aksidenteng kanyang nararanasanan, bali-balita ring may tampuhan sila ng kanyang panganay na si KC Concepcion. Hindi tuloy maiwasang maisip ni Sharon na parang ang malas niya sa umpisa pa lang ng taong 2020. Kahapon ay nagbahagi siya sa kanyang Instagram post kung saan ikinuwento niya ang kamalasang nangyari…
Author: Mae Mercado
Umpisa pa lang ng 2020 ay may pasabog na agad ang tambalang JaDine nina James Reid at Nadine Lustre na usap-usapang hiwalay na diumano bago pa man matapos ang taong 2019. Nagkagulo ang JaDine fans at agad na ipinagtanggol ang kanilang mga idolo at inilabas ang mga patunay na hindi pa hiwalay ang dalawa. Inilabas ng Kapamilya Online World (KOW) ang ilang photos nila kung saan makikita silang magkasama noong Pasko at Bagong Taon. “According to pep.ph: First sad news in Philippine showbiz this 2020… James Reid at Nadine Lustre, break na JaDine Fans React: HINDI BREAK ANG JADINE! Fake…
Nag-alala pa rin ang fans ng sikat na South Korean girl group na Red Velvet matapos malaglag sa stage habang nagre-rehearse ang Red Velvet member na si Wendy last Christmas. Agad na dinala ang singer sa ospital kung saan nakitaan siya ng fractures sa pelvis at braso sa kanang bahagi ng kanyang katawan. Meron din siyang kaunting facial injuries. Ayon sa mga nakakita, nagkamali raw ng tapak si Wendy sa platform, ang akala raw nito ay may aapakan pa siya pero kulang pala ang steps. Hindi naman maiwasang masisi ang SBS na siyang may hawak ng show sa nangyaring aksidente…
Sa nakalipas na tatlong buwan, hindi nakapagtatakang palaging laman ng news feed ng mga Pinoy ang aktres na si Ivana Alawi. Trending araw-araw ang mga post nitong naka-bikini lang na ang iba ay halos wala na siyang tinatakpan. Naging mitsa rin diumano si Ivana ng mga awayan nang magdyodyowa sa Facebook dahil sa palagiang pagko-comment, pagsi-share at pagla-like ng mga boyfriend nila sa mga post nito. Huling napanood ang aktres sa seryeng Sino Ang May Sala? Mea Culpa na pinagbibidahan nina Bela Padilla at Jodi Sta. Maria. Nakasama rin niya rito sina Ketchup Eusebio at Kit Thompson. Bentang-benta ang mga…
Kasagsagan noon ng pagsu-shoot ng Metro Manila Film Festival 2018 entry na Jack Em Popoy: The Puliscredibles, nang pumutok ang balitang may namumuo nang damdamin diumano sa pagitan nina Maine Mendoza at Arjo Atayde na pawang magkatrabaho sa nasabing pelikula. Kontrabida roon si Arjo habang bida naman si Maine kasama sina Vic Sotto at Coco Martin na nagsama sa unang pagkakataon. Spotted daw noon sina Maine at Arjo sa isang restaurant sa Makati nang dalawa lang, at doon na nagsimula ang pagkakaroon nila ng isyu pero agad ding kinontra ng fans nina Maine at Alden Richards na AlDub, na noon…
Para sa mga nais makiramay sa actor na si Miko Palanca, nakalagak ang mga labi ng aktor sa Arlington Memorial Chapel (Faith Room) simula kahapon hanggang Biyernes. Magkakaroon naman ng funeral Mass pagkatapos i-cremate ang mga labi ni Miko sa Biyernes. Lunes, December 9, nang magulantang ang lahat sa balitang tumalon diumano mula sa isang gusali ang actor. Heartbroken diumano sa girlfriend ang dahilan. Pero bukod sa isang statement na inilabas ng pamilya ni Miko, wala nang iba pang binanggit ang mga ito. Si Miko ay nakababatang kapatid ni Bernard Palanca. Huli siyang napanood sa FPJ’s Ang Probinsyano at Nang…
“Dream it. Believe it. Achieve it,” yan ang post ni Senator Manny Pacquiao sa kanyang Instagram account, bago nag-martsa ang Pambansang Kamao mula sa kinuhang kurso na AB Political Science major in Local Government Administration sa UMak o Unibersidad ng Makati. Nagmartsa si Sen. Manny kasama ang halos 400 graduates, at kinumpirma ito ni acting UMak President Makati City Mayor Abby Binay. Kilala si Sen. Manny na lumaki sa hirap at hindi nakatapos ng pag-aaral dahil sa maagang pagsabak sa boksing. Ganunpaman, hindi pa rin niya nakalimutan ang kanyang edukasyon. Samantala, hindi naman nagpahuli sa pagbati ang kanyang very proud na…
Ipinost kamakailan lang ng vlogger at girlfriend ni Joem Bascon na si Crisha Uy sa kanyang Facebook page ang masaklap na nangyari sa kanyang kanang tenga nang ipa-pierce niya ito sa Cebu. “PIERCING GONE WRONG! My ears got an infection because…may madaming rason. “Possible causes: Nagpa pierce ako sabay sabay (tatlo sa cartilage area) na dapat pa isa isa lang/ Maybe hindi hygienic yung gumawa or yung materials ginamit. Nag swim ako sa waterfalls na hindi pa galing. Yung material ng earrings allergic ako. Madami cause… “Lesson learned: Tigilan na mag pa pierce sa may buto (cartilage) area dahil yan…
Muli na namang pinabilib ni Film Development Council of the Philippines (FDCP) chair Liza Diño ang showbiz industry nang matagumpay nitong nairaos noong November 30, Sabado, ang Luna Awards na dinaluhan ng maraming magagaling na artista na nominado sa nasabing awards night. Asikasung-asikaso niya ang buong event at talaga namang hindi minadali ang ginawang paghahanda. Hindi rin naman nagpahuli ang asawa niyang si Ice Seguerra, dahil ito ang nagdirek ng buong event. Ayon sa mga dumalo, hindi raw boring ang flow ng awarding at nag-enjoy ang lahat. At kahit na itinapat dito ang opening ceremony ng SEA Games 2019, marami…
Sa darating na December 8, kokoranahan nang muli ang bagong Miss Universe kung saan ang pambato nating si Miss Universe-Philippines Gazini Ganados ang lalaban. Gaganapin ang Miss Universe 2019 coronation night sa Atlanta, Georgia. At imbitado ang Miss Universe 2015 na si Pia Wurtzbach na dumalo sa coronation, pero nag-beg off daw ito dahil sa trabaho. Tinanong ng isang netizen kung nakakuha na raw ba ito ng ticket para sa nasabing pageant at agad niya itong sinagot: “My travel show was invited by the tourism board of Japan to feature a festival in Fukuoka. “Our working visas were released already before…