Luna Awards inabangan pa rin kahit nasapawan ng SEA Games!

-

Muli na namang pinabilib ni Film Development Council of the Philippines (FDCP) chair Liza Diño ang showbiz industry nang matagumpay nitong nairaos noong November 30, Sabado, ang Luna Awards na dinaluhan ng maraming magagaling na artista na nominado sa nasabing awards night.

Asikasung-asikaso niya ang buong event at talaga namang hindi minadali ang ginawang paghahanda.

Goyo: Ang Batang Heneral, produced by TBA Studios and Globe Studios, is the Best Motion Picture awardee at the 37th Film Academy of the Philippines (FAP) Luna Awards.
Film Development Council of the Philippines (FDCP) chair Liza Diño hands the award to TBA Studios president Vincent Nebrida.

Hindi rin naman nagpahuli ang asawa niyang si Ice Seguerra, dahil ito ang nagdirek ng buong event.

Ayon sa mga dumalo, hindi raw boring ang flow ng awarding at nag-enjoy ang lahat. At kahit na itinapat dito ang opening ceremony ng SEA Games 2019, marami pa rin ang tumutok at nag-abang na fans para i-cheer ang kanilang idolo.

Regal matriarch Mother Lily Monteverde is the Fernando Poe, Jr. (FPJ) Lifetime Achievement Awardee. In photo with her are (from left) Cherie Gil, daughter Roselle Monteverde and Quezon City Mayor Joy Belmonte.

Isa na nga rito si Daniel Padilla na muli na namang nakasungkit ng Best Actor Award para sa box-office hit nilang pelikula ng girlfriend na si Kathryn Bernardo na The Hows Of Us.

Hindi pa uli lumalabas ngayon ang teen king sa big screen.

Nova Villa receives the Manuel de Leon Award for Exemplary Achievement.

Samantala, hindi naman kasama sa mga na-nominate si Kathryn na huling napanood sa pelikulang Hello, Love, Goodbye katambal si Alden Richards na kinuwestiyon ng KathNiel fans. Pati nga ang aktres na si Nadine Lustre ay laglag din.

Narito ang kumpletong listahan ng ilan pa sa mga nagwagi:

Best Editing: Chuck Gutierrez (Liway)

Best Musical Score: Jerrold Tarog (Goyo: Ang Batang Heneral)

Best Cinematography: Neil Daza (Gusto Kita with All My Hypothalamus)

Best Production Design: Maolen Fadul (Gusto Kita with All My Hypothalamus)

Best Sound: Albert Michael Idioma and Alex Tomboc (Goyo: Ang Batang Heneral)

Best Screenplay: Zig Dulay and Kip Oebanda (Liway)

Best Supporting Actress: Daria Ramirez (Signal Rock)

Best Supporting Actor: Arjo Atayde (Buy Bust)

Best Actress: Glaiza de Castro (Liway)

Best Actor: Daniel Padilla (The Hows of Us)

Best Director: Chito Roño (Signal Rock)

Best Motion Picture: Goyo: Ang Batang Heneral

Fernando Poe, Jr. (FPJ) Lifetime Achievement Award: Lily Monteverde

Manuel de Leon Award for Exemplary Achievements: Nova Villa

Lamberto Avellana Memorial Award: Directors Wenn Deramas and Soxie Topacio

Congratulations!

Must Read