Sen. Manny Pacquiao degree holder na!

-

“Dream it. Believe it. Achieve it,” yan ang post ni Senator Manny Pacquiao sa kanyang Instagram account, bago nag-martsa ang Pambansang Kamao mula sa kinuhang kurso na AB Political Science major in Local Government Administration sa UMak o Unibersidad ng Makati.

Nagmartsa si Sen. Manny kasama ang halos 400 graduates, at kinumpirma ito ni acting UMak President Makati City Mayor Abby Binay.

Kilala si Sen. Manny na lumaki sa hirap at hindi nakatapos ng pag-aaral dahil sa maagang pagsabak sa boksing. Ganunpaman, hindi pa rin niya nakalimutan ang kanyang edukasyon.

Samantala, hindi naman nagpahuli sa pagbati ang kanyang very proud na asawa na si Jinkee Pacquiao sa kanyang panibagong achievement.

“Happy Graduation Day, my Babe! I’m so proud of you!,” post nito sa kanyang IG.

https://www.instagram.com/p/B56_VQ5ns2c/

Latest

YOU MAY LIKE