Author: Mae Mercado

Matapos ang magandang balita ng panganganak ni Mariel Rodriguez sa pangalawang anak nila ni Robin Padilla na si Gabriela noong November 16, Sabado, sinundan ito ng isa pang good news. Ikinasal ang bunso at nag-iisang anak na lalaki ni Binoe at ng ex-wife niyang si Liezl Sicangco na si Ali Padilla sa girlfriend nitong si Hannah na isang Australian Citizen noong November 17. Eighteen years old lang si Ali, pero suportado siya ng kanyang pamilya sa ginawang pagpapakasal. Hindi man nakapunta si Robin sa mismong kasal, nag-post naman ito ng ilang pictures ng venue na ginanap sa Broadbeach, Queensland, Australia…

Read More

Nasa ospital pa hanggang ngayon ang 28 years old na anak ni Nadia Montenegro na si Ynna Asistio dahil diumano sa matinding pagsakit ng tiyan. Limang oras daw na tiniis ng dalaga ang kanyang nararamdaman bago siya nakarating sa ospital. Kinailangan pa raw kasi siyang ipalipat-lipat ng mga kapatid na sina Yssa at Alexander Asistio dahil puno raw ang mga una nilang napuntahang hospital. “Hello, please pray for Alynna Alexandra Pia Asistio. We rushed her last night sa ER mga 11 am. Nag-hospital hopping po kami kagabi kasi halos lahat ng ospital sa Marikina and Antipolo punung-puno, walang kama, walang…

Read More

Kamakailan lang ay nag-celebrate ng birthday ang Star For All Seasons na si Lipa Congresswoman Vilma Santos sa Taiwan kasama ang kanyang pamilya at ilang kamag-anak. Kasama rin nila doon ang panganay niyang si Luis Manzano at ang girlfriend nitong si Jessy Mendiola. Sa mga ipinost na story ni Luis sa Instagram account nito, makikitang masayang-masaya ang kanyang momski dahil kumpleto sila. Tuwang-tuwa rin naman ang netizens sa nakitang closeness nina Ate Vi at Jessy.Sa mismong araw ng birthday nito, nag-post ang dalaga ng kanyang pagbati kung saan tinawag niya rin itong “momski”. “Happy birthday po Momski! Thank you for…

Read More

Sa wakas ay nakaharap na ng aktres na si Anne Curtis ang kanyang ultimate crush, ang Korean superstar na si Gong Yoo na una niyang kinabaliwan sa mga pelikula at seryeng pinagbidahan nito, ang Train To Busan at Goblin. Aminado si Anne na talagang iniiyakan pa niya si Gong Yoo, dahilan para magselos ng pabiro ang kanyang asawang si Erwan Heussaff. Tulad ng asawa ni Solenn Heussaff na si Nico Bolzico, kinaaaliwan din ng netizens ang mga post ni Erwan tungkol sa pagpa-fangirling ng kanyang asawa. Suportado naman nito ang lahat ng hilig ni Anne at siya pa mismo ang…

Read More

BY MAE MERCADO Last August nang nang mag-post ang Kapamilya actress na si Angelica Panganiban ng isang tweet patungkol sa kanyang credit card na ginagamit diumano ng kung sino. “May gumagamit ng credit card ko sa Pampanga. Malapit na siya umabot sa 500k. Walang magawa mga tao. Ba’t d kyo mag-ipon para sa sarili niyo? Ba’t kayo magnanakaw?” Agad na ini-report ni Angelica ang pangyayari at nadiskubre sa investigation ng NBI (National Bureau of Investigation), na halos P5,000 na raw ang nai-charge sa nasabing credit card. Tinangka rin daw itong gamitin sa mas malaking transaksyon sa isang casino sa halagang…

Read More

BY MAE MERCADO Lahat naman tayo ay gustong marinig at mapakinggan, literally and figuratively. Pero para sa mga pamilya na may miyembrong kabilang sa deaf community ay napakahirap nito, na kahit sa kabila ng mga advance technology mula sa iba’t ibang bansa at iba’t ibang gobyerno ay dumaranas pa rin sila ng napakaraming challenges bago maintindihan. Isa sa mga madalas na nararanasan ng mga nasa deaf community ay ang social isolation. Hindi naman kasi lahat ay marunong gumamit ng sign language, kaya naman ito ngayon ang pumipigil para makipag-communicate sila sa kanilang pamilya na nagiging sanhi ng kanilang paglayo. Masasaksihan…

Read More