Model-vlogger Crisha Uy muntik mabulok ang tenga dahil sa maling piercing!

-

Ipinost kamakailan lang ng vlogger at girlfriend ni Joem Bascon na si Crisha Uy sa kanyang Facebook page ang masaklap na nangyari sa kanyang kanang tenga nang ipa-pierce niya ito sa Cebu.

“PIERCING GONE WRONG! My ears got an infection because…may madaming rason.

“Possible causes: Nagpa pierce ako sabay sabay (tatlo sa cartilage area) na dapat pa isa isa lang/ Maybe hindi hygienic yung gumawa or yung materials ginamit. Nag swim ako sa waterfalls na hindi pa galing. Yung material ng earrings allergic ako. Madami cause…

“Lesson learned: Tigilan na mag pa pierce sa may buto (cartilage) area dahil yan ang mangyari sayo! okay!”

https://www.facebook.com/crishacraejohnsuy/posts/2424462321009934

Kitang-kita sa mga ipinost nitong pictures ang namamagang tenga na umabot na pala sa puntong kinailangan na itong operahan dahil sa dami ng nana.

Ayon pa sa kanya, kahit daw tinanggal na niya ang hikaw ay patuloy pa rin ito sa pamamaga.

Sa huling part ng kanyang post, bagama’t na-deformed ng kaunti, sinabi niya na kung hindi raw niya ito naagapan ay posibleng maging Cauliflower ear ang kanyang tenga.

Ang Cauliflower ear ay kilala rin sa tawag na wrestler’s ear. Ang mga kadalasang nagkakaroon nito ay mga boksingero at UFC fighter dahil sa pagputok ng tenga mula sa isang trauma o pamumuo ng dugo.

Maayos na ang kalagayan ngayon ng vlogger at pagaling na rin ang tengang namaga.

Samantala, usap-usapan ngayon ang hiwalayan nila ni Joem dahil diumano sa aktres na si Meryll Soriano na ex-girlfriend nito.

https://www.instagram.com/p/BwmAD3EnGBB/?utm_source=ig_web_copy_link

Magkasama sina Joem at Meryll sa seryeng Starla na pinagbibidahan nina Judy Ann Santos, Joel Torre at child stars na sina Jana Agoncillo at Enzo Pelojero.

Dumating din si Meryll sa premiere ng pelikula ni Joem at Lovi Poe na The Annulment, samantalang parang hindi naman nakita roon si Crisha, kaya mas lumakas ang tsismis na may hiwalayang naganap sa pagitan ng magkasintahan.

Eight years nang magkarelasyon sina Joem at Crisha, at sa mga nakaraang interview ng una, very open na ito sa pagsasabing may plano na siyang mag-propose at pakasalan ang long-time girlfriend.

Aminado si Joem na may “major” silang problemang pinagdadaanan ngayon ni Crisha at sinusubukan daw nilang ayusin ito.

Base sa Instagram post ni Crisha, kasalukuyan siyang nagbabakasyon sa General Santos City at ine-enjoy ang sarili, pero walang bahid ni Joem ang makikita.

Kapansin-pansin naman ang display picture ng huli na blangko lang at kulay itim.

Tuluyan na nga kaya silang nagkahiwalay dahil sa pakikipagbalikan ni Joem kay Meryll?

Must Read