Ivana Alawi namimigay ng bra sa subscribers na libo-libo ang halaga!

-

Sa nakalipas na tatlong buwan, hindi nakapagtatakang palaging laman ng news feed ng mga Pinoy ang aktres na si Ivana Alawi.

Trending araw-araw ang mga post nitong naka-bikini lang na ang iba ay halos wala na siyang tinatakpan.

Naging mitsa rin diumano si Ivana ng mga awayan nang magdyodyowa sa Facebook dahil sa palagiang pagko-comment, pagsi-share at pagla-like ng mga boyfriend nila sa mga post nito.

Huling napanood ang aktres sa seryeng Sino Ang May Sala? Mea Culpa na pinagbibidahan nina Bela Padilla at Jodi Sta. Maria. Nakasama rin niya rito sina Ketchup Eusebio at Kit Thompson.

Bentang-benta ang mga vlog ni Ivana sa kanyang fans, nagkaroon pa nga ang mga ito ng samahan na kung tawagin ay Alawinatics na siya namang ikinaaliw niya.

“When you reach 3 Million subscribers in 3 months!

I love you all so much!!! Thank you,” post ng pasasalamat ni Ivana sa kanyang Instagram account kalakip ang isang napaka-seksing picture na kung saan ay naka-one piece siya ng kulay orange.

Nag-umpisang mag-vlog si Ivana noong nakaraang taon kung saan meron na siyang 26 videos sa kanyang YouTube channel na Ivana Alawi.

At hindi lang naman dahil sa kaseksihan at pagpapakita ng katawan ang inaabangan sa kanya. Nag-aabang din ng kanyang mga subscriber sa mga pinamimigay niyang papremyo, tulad ng Iphone 11 Pro at mamahaling bra na kanyang sikreto upang mapanitiling nakatayo ang kanyang boobs. Balitang almost P10,000 ang halaga ng nasabing bra.

Bukod kay Ivana, hindi na rin nagpapahuli sa kanya sa kakulitan ang bunsong kapatid niyan si Mona Louise Rey na unang napanood sa seryeng Ang Munting Heredera, at ang huli naman niyang palabas ay ang My BFF sa GMA 7.

Si Mona ay meron nang 643K subscriber sa YouTube, habang si Ivana naman ay may 3.22M na.

Apat silang magkakapatid sa ina nilang Pinay at sa ama nilang Moroccan na yumao na.

Must Read