Labi ni Miko Palanca iki-cremate sa Biyernes

-

Para sa mga nais makiramay sa actor na si Miko Palanca, nakalagak ang mga labi ng aktor sa Arlington Memorial Chapel (Faith Room) simula kahapon hanggang Biyernes.

Magkakaroon naman ng funeral Mass pagkatapos i-cremate ang mga labi ni Miko sa Biyernes.

Lunes, December 9, nang magulantang ang lahat sa balitang tumalon diumano mula sa isang gusali ang actor. Heartbroken diumano sa girlfriend ang dahilan.

Pero bukod sa isang statement na inilabas ng pamilya ni Miko, wala nang iba pang binanggit ang mga ito.

Si Miko ay nakababatang kapatid ni Bernard Palanca. Huli siyang napanood sa FPJ’s Ang Probinsyano at Nang Ngumiti Ang Langit.

Miko with older brother Bernard Palanca

Si Miko ang pinaka-unang showbiz boyfriend ni Bea Alonzo pero nauwi rin ito sa hiwalayan 11 years ago. Matatandaang noong 2013 ay sinabi ni Bea sa isang interview sa YES! Magazine na hindi raw naging maganda ang relasyon nila ni Miko at ang age gap din nila ang dahilan ng paghihiwalay nila ng landas. Wala pang naririnig mula kay Bea tungkol sa pagkawala ng kanyang ex.

Miko with then girlfriend Bea Alonzo

Samantala, sa mga nakakaranas ng depression o nag-iisip na wakasan ang kanilang buhay, maari kayong tumawag sa NCMH (National Center for Mental Health) CRISIS HOTLINE sa 0917 899 8727 (USAP) and 989 8727 (USAP), 24/7. Ito ay proyekto ng Department of Health.

Must Read