Umani ng iba’t ibang hirit mula sa mga netizens ang naging Christmas celebration ng TV personality na si Mariel Rodriguez-Padilla.
Sa isang post kasi ni Mariel, makikita na nag-slumber party sila para sa pagdiriwang ng Pasko.
Mariel Padilla, nag-share ng ilang photos mula sa kanilang Christmas family celebration.
— Pilipino Star Ngayon Digital (@psngayondigital) December 27, 2025
"A Slumber Party Holiday to Remember," caption niya sa post.
(Facebook/Mariel Rodriguez Padilla) pic.twitter.com/UF7OG55iod
“From cozy pajamas and giggles to gingerbread houses, sweet treats, and the warmest moments shared together — this holiday celebration was truly made special by the people who matter most,” saad nito sa kanyang post.
Kalakip sa naturang post ang ilang photos ng kanilang inihandang pagkain para sa Noche Buena.

Dahil dito, napatanong naman ang ilang mga netizens patungkol sa P500 budget para sa Noche Buena.
“Akala ko ba ok na at kasya naman ang 500 na pang handa sa pasko? Bat parang pang 500,000 yata to?” tanong ng isang netizen.
“Ilang 500 pesos po ung handa nyo?” tanong ng isa.
“Wondering if the 500 peso budget worked?” dagdag pa ng isa.
Matatandaan na nag-viral sa social media kamakailan ang isang vlog ni Mariel kung saan sinubukan niyang maghain ng Noche Buena gamit ang P500 na budget.
“I’m happy because nagawa natin. Bilang maabilidad na nanay tayo, na-stretch natin dahil ganiyan tayong mga Pilipino, we always make things work pero may struggle. Pero I think it’s… baka naman makakapagpasaya siya, I think it looks festive enough,” wika niya sa kanyang vlog.
“I am not siding with DTI and I do believe that the Filipinos deserve more. I just wanted to prove it and challenge myself that I can make P500 work,” dagdag pa niya.