Nagsalita ang mga BINI members patungkol sa kanilang pagre-release ng English tracks para sa kanilang upcoming EP na “BINIverse.”
Matatandaan na kamakailan lamang ay nag-release ang BINI ng sampler para sa kanilang EP. Ayon dito, binubuo ito ng six English tracks, kabilang ang kanilang hit songs na “Cherry On Top” at “Blink Twice.”
Maliban pa rito, kasama rin sa naturang EP ang kanilang upcoming song na “Secrets,” kung saan ka-collaborate nila ang former Day6 member na si Jae Park.
6 tracks, 1 BINIverse. It’s time to lock in.
— BINI_PH (@BINI_ph) February 15, 2025
The BINIverse opens its doors on February 27, 2025! Are you ready to enter? 💫✨
Pre-save the BINIverse EP now and comment which track you’re claiming as your favorite:
🔗https://t.co/RZmHqhwKfC#BINI #BINI_BINIverseEP pic.twitter.com/AhZx3KHDKb
Sa isang interview, sinabi ni BINI member Sheena na nais nilang i-cater ang kanilang mga global fans kung kaya’t nag-release sila ng all-English EP.
“Talagang nag-prepare kami kasi nga we’re going [on a] world tour. So gusto naman namin merong English songs,” saad ni Sheena sa isang exclusive interview ng ABS-CBN News.
‘WE’RE GOING [ON A] WORLD TOUR. SO GUSTO NAMAN NAMIN MERONG ENGLISH SONGS’
— Pilipino Star Ngayon Digital (@psngayondigital) February 18, 2025
Ito ang inihayag ng BINI member na si Sheena matapos mapag-usapan sa isang interview ang patungkol sa kanilang upcoming EP na binubuo ng six English tracks. pic.twitter.com/xff4jaoqVv
Ngunit kahit ganito, sinabi ni Sheena na ipe-perform pa rin nila sa world tour ang mga songs kung saan sila nakilala.
“Pero syempre at the same time, sa world tour na pupuntahan namin, ang talagang [ipe-perform] namin yung mga Tagalog songs… talagang songs namin kung sa’n kami nakilala… But yeah, syempre gusto lang din namin i-cater [yung] kada bansa na pupuntahan namin,” pahayag niya.
Ayon naman sa BINI leader na si Jhoanna, nananatiling tatak OPM ang kanilang mga songs kahit na English ito.
“And hindi naman porke’t ‘di ba sinabi na English song, ’di na siya OPM. Ang daming English song na OPM,” pahayag niya.
Nakatakdang i-release ang nasabing EP sa February 27.