Ibinahagi ng mag-asawa na sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo ang isang funny story patungkol sa kanilang wedding ring sa araw ng kanilang kasal.
Sa interview nina Jennylyn at Dennis sa programa na Fast Talk with Boy Abunda, sinabi ni Jennylyn na naiwan umano ni Dennis ang kanilang wedding ring.
‘KAYA ANO… NAMUMUTLA NA PO AKO’
— Pilipino Star Ngayon Digital (@psngayondigital) February 17, 2025
Ito ang naging pabirong hirit ng aktor na si Dennis Trillo matapos mag-kwento ang kanyang asawa na si Jennylyn Mercado patungkol sa kanilang wedding ring. pic.twitter.com/sZ8HgwpSp5
“Nung time na nung wedding namin, naiwan niya yung singsing. So bwisit na bwisit ako, eh syempre yung hormones ng pregnant woman ’di ba? Talagang galit ako,” kwento ng aktres.
“Sinabihan ko siya na, sobrang specific nung instruction ko, ‘Kunin mo yung ring, nandito sa bag ko, ito yung color nung box, lagay mo dito,’” saad niya.
Ayon kay Dennis, isang box na walang laman ang kanyang nadala sa araw ng kanilang wedding.
“Dalawa po yung box, yung isa walang laman. Yun yung nakuha ko, yun yung nadampot ko,” wika ni Dennis.
“Pero yung bahay po namin, malapit lang, mga 5 minutes away,” paliwanag pa ng aktor.
Kwento ni Jennylyn, nalaman nila na wala ang kanilang wedding ring nang hingiin na ito ng pari sa kanilang kasal.
“Nandun na kami, hinihingi na ni Father yung singsing… ‘Asan yung ring?’ Ta’s binigay yung box, walang laman,” pagbabahagi ni Jennylyn.
“Kaya ano… Namumutla na po ako,” pabirong hirit ni Dennis.
Dagdag pa ni Jennylyn, umuwi ang kanilang driver upang kunin ang kanilang wedding ring.
Matatandaan na kinasal sina Jennylyn at Dennis noong November 2021. Sa ngayon ay mayroon silang anak na si Dylan Jayde.