Agad nagpasalamat ang P-pop girl group na BINI sa mga Blooms matapos pumalo ng mahigit sa 1 million views ang music video ng kanilang latest single na “Cherry On Top.” Nasa 5.6 million views na ang nasabing music video as of writing.
#BINI : #BINICherryOnTop Music Video now has 1 MILLION VIEWS in less than 4 hours!😍🍒
— BINI_PH (@BINI_ph) July 11, 2024
Cherry Mania is definitely on!💯 Keep watching here : 🎥 https://t.co/BNn98JuN2U
CherryOnTop MV OutNow#BINIversayangHulyo pic.twitter.com/fxuwEBa7KQ
“3 yrs ago ang goal lang natin maka-100k in 24hrs pero nowwwwww!!!! Grabe kayo,” saad ng BINI leader na si Jhoanna sa kanyang post sa social media platform na X.
Tila hindi naman makapaniwala ang BINI member na si Sheena para sa panibagong milestone na na-achieve ng kanilang group.
‘THANK YOU OUR BLOOMS’ 🥹🩷
— Pilipino Star Ngayon Digital (@psngayondigital) July 11, 2024
BINI member na si Sheena, nagpasalamat sa suporta ng kanilang mga fans matapos pumalo sa mahigit 1 million views ang music video ng kanilang latest single na “Cherry On Top.” pic.twitter.com/bSbf9Mm2lW
“HUH ANONG 1 MILLION VIEWS hindi ba yan bot or nag glitch huhu thank you our blooms grabe,” pasasalamat niya sa kanilang mga fans.
“Naiiyak ako pero hindi pwede kasi ayoko mamaga face ko bukas sa show namin hehe re-sched ko muna ang breakdown,” dagdag pa ni Sheena.
“Batak na batak kayo tehhhh,” wika naman ni BINI member na si Colet.
batak na batak kayo tehhhh😭🍒 https://t.co/vay7ofSFiV
— C O L E T (@bini_colet) July 11, 2024
“Ang bilis nyo blooms! Thank you and keep streaming!” saad naman ni BINI member Gwen.
Matatandaan na ini-release nitong July 11 ang nasabing music video.
Samantala, nasa 2.2 million views na ang nasabing music video as of writing.
Maliban pa rito, matatandaan din na kamakailan lamang ay umabot na sa 100 million streams sa Spotify at YouTube Music ang hit song ng BINI na “Pantropiko.”