Vlogger couple Viy Cortez, Cong Velasquez join call to end corruption

-

Nakiisa ang mga vloggers na sina Viy Cortez at Cong Velasquez sa panawagan na tuldukan ang korapsyon sa bansa.

Sa isang Facebook post nina Viy at Cong nitong September 21, makikita ang ilang photos mula sa “Trillion Peso March” protest na isinagawa sa EDSA People Power Monument.

“Magnanakaw ka tapos gusto mo walang sisita? Hahaha G*** ka ba?” saad ni Cong sa kanyang post.

Kaugnay nito, kumalap naman ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga netizens ang naturang post.

Sa isang pahayag, inamin ni Viy na nag-aalangan silang mag-speak up ng kanyang asawa na si Cong dahil alam nila na mayroon umanong magagalit sa kanila.

“Sa totoo lang natatakot kami mag asawa mag post dahil alam namin na mababalik lahat ng galit sa amin. Pero mas okay na magsalita kesa manahimik!” wika ni Viy.

“Tatanggapin ko lahat ng panlalait mura at kung ano ano pa. Kung yun ang ikagagaan ng nararamdaman niyo. […] Hinding-hindi ako magsisisi na sa wakas nagamit ko ‘tong [Facebook] ko ng tama! Hindi ko pagsisisihan na nasabi kong P***** *** NAKAW PA!” pahayag niya.

“Pag ba magkaiba ba tayo ng sinuportahan nung eleksyon wala ng karapatang magalit sa mga nangyayari sa bansa? Sabihin niyo na gusto niyong sabihin. Pare-pareho lang tayong ninanakawan,” wika ni Cong.

“Mas nakakahiyang manahimik kesa hindi bumoses,” dagdag pa nito.

Regine Caldona
Regine Caldona
Regine Caldona is a chronically-online content producer. She loves vibing to feel good K-pop songs.

Latest

YOU MAY LIKE