‘From Barney to Barbie’: Viy Cortez shares fitness journey after giving birth

-

Proud na ishinare ng vlogger na si Viy Cortez ang kanyang journey to transformation sa social media.

Sa isang Facebook post, ibinahagi ni Viy ang kanyang secrets upang ma-achieve ang kanyang fitness goals.

Number one sa mga ito ay ang pagtatanggal niya sa rice sa kanyang meals. 

“From 94 [kilos] pagka-panganak, naging 60 [kilos] na ko dahil sa pagtanggal ng rice pati pagba-bawas na din nga mga masasamang pagkain at pag-inom ng luxeslim (tipong nakain sila ng lomi tapos ako nakatitig lang),” kwento niya.

Kasabay nito, chinika rin ni Viy na sinasamahan niya na ng exercise ang kanyang pagda-diet.

“Ngayon, panahon na para dagdagan ng exercise dahil lalawlaw na tayo mga mamshie. Kaya naman 4 na araw na ko naggi-gym, ipagdasal niyo naman ako na matagalan ko ‘to. Plus sumusubok din ako mag tennis ngayon. Pero nag-aaral pa ‘ko,” sey pa niya.

“Sumusubok na din ako ng diet meals ngayon para mas tama ang calorie count ko kada araw ang pinapatake lang sakin ay 1500 per day, diyan papasok yung matatakam ka sa ibang ulam o ibang pagkain,” wika pa ng vlogger.

No liposuction

Kasabay ng pag-share niya ng kanyang fitness journey, nagsalita naman si Viy patungkol sa mga usap-usapan ng netizens na nagpa-liposuction umano siya.

“May nakita din ako sa TikTok [na] nag pa-lipo ka daw and [pinag]-compare ka sa ibang content creator na naglo-loss ng weight na naggi-gym,” komento ng isang netizen. 

Diretsahan namang sinagot ni Viy na hindi umano siya nag-undergo sa liposuction surgery.

“Sobrang dami ko nakikita na sinabi nagpalipo ako. ‘Di ko alam kung mata-touch ako o mabi-bwisit eh,” wika ng vlogger.

“Nagpa-lipo ba ako? Hindi pa sa ngayon, pag naka-[tatlong] anak na ‘ko, baka dun na,” sey pa niya.

“Grabe [‘yung] ginawa ko, halos mamatay na ko kakapikit pag nakakakita ng pagkain. Ang hirap kaya. Grabe ang disiplina ko sa pagkain, tapos aawayin lang ako sa TikTok,” dagdag pa ni Viy.

Kaugnay naman nito, nagsalita rin si Pat Velasquez, kapatid ng fiancé ni Viy na si Cong Velasquez, patungkol sa liposuction speculations ng mga netizens.

“Galaw galaw, magcalorie count at kung kaya maginvest sa gym instructor. Tignan ko lang kung di kayo pumayat din agad. Lipo agad mimasaur? You go girl!,” pahayag ni Pat. 

“Naglalaway na si vaklang Viy sa lomi pero di niya parin kakainin tapos sasabihin niyo nagpa-lipo,” dagdag pa niya.

Regine Caldona
Regine Caldona
Regine Caldona is a chronically-online content producer. She loves vibing to feel good K-pop songs.

Latest

YOU MAY LIKE