Cong TV shares 30-day body transformation, says he wants to be healthy for his son

-

Hinangaan ng mga netizens ang ibinahaging body transformation photos ng vlogger na si Cong Velasquez, o mas kilala bilang Cong TV.

Sa kanyang Instagram post, sinabi ng vlogger na na-achieve niya ang kanyang fitness transformation sa loob lamang ng 1 month.

“Nakakabilib kayang gawin ng isang buwan pag nag-decide ka talaga na may magbago. Excited na ako para sa one year!!” saad ni Cong sa kanyang post.

Samantala, sa vlog naman ni Cong na “Gymbros,” shinare niya na isa sa mga rason ng kanyang pagfo-focus sa gym ay dahil na-diagnose siya na mayroong “fatty liver.”

“Ito rin yung one of the main reasons mga paa bakit talaga ako nagi-gym. Kasi may problema ‘yung liver ko. Hindi naman ako nag-iinom pero ‘yun nga, may ganung klase na ano… May fatty liver na ako,” pagbabahagi niya. 

Sa naturang vlog, ibinahagi ni Cong ang results ng kanyang blood chemistry test makaraang i-disiplina niya ang kanyang sarili sa pagkain at pagwo-workout sa loob lamang ng isang buwan.

Ayon sa conversation ni Cong at ng kanyang doktor, normal na ang resulta ng kanyang blood chemistry test. 

“I’m so normal. I’m so healthy. I’m so happy. I’m so good,” sey naman ng vlogger nang malaman ang kanyang test results.

On wanting to be a healthy parent for Kidlat 

Maliban naman sa pagkakaroon ng fatty liver, ini-reveal din ni Cong ang mas malalalim niyang dahilan sa pagwo-workout sa latest vlog ng kanyang partner na si Viy Cortez, kung saan sumabak sila sa lie detector test. 

Aniya, gusto niya umanong maabutan siyang malakas at healthy ng kanilang anak ni Viy na si Zeus Emmanuel o mas kilala bilang “Kidlat.” 

“Kaya rin ako naggi-gym kasi gusto kong abutan niya kong malakas. Gusto ko ang abutan niyang version ko, ’yung version na kaya makipag-laro sa kanya. Kaya siyang sabayan sa trip niya. Kaya mag-basketball,” paliwanag niya.

“Kasi totoo ’yan eh, pag 41 ako, dun palang siyan 10. Pag 51 ko, dun palang siya bente. So ’yun palang yung peak niya as a… kung maging atleta man siya or kung ano man yung trip niya sa buhay,” saad niya.

“So gusto ko, nandodoon ako sa tabi niya. And gusto ko magabayan ko siya all throughout ng buhay niya hanggang sa kaya niya na ‘yung sarili niya,” pagpapatuloy naman ni Cong. 

Regine Caldona
Regine Caldona
Regine Caldona is a chronically-online content producer. She loves vibing to feel good K-pop songs.

Latest

YOU MAY LIKE