Vlogger Viy Cortez gives brand-new car to delivery rider

-

Tila naantig ang damdamin ng mga netizens sa latest vlog ng content creator na si Viy Cortez kung saan nagbigay siya ng brand-new car sa isang delivery rider. 

Sa naturang vlog, tila bumalik si Viy sa kanyang pagiging sales agent at dito niya nakilala ang delivery rider na si Erickson.

Kwento ni Erickson kay Viy, dream niya umanong magkaroon ng four-wheel na sasakyan.

“Gustong-gusto ko talaga magkaro’n ng ganito kasi maganda ring pang-service ‘to eh, saka sa ano din, ‘yung sa mga pang-deliver din,” saad nito.

“Ang minamata niyo talaga kung gusto niyo magka-kotse, Vios talaga?” tanong ni Viy.

“Opo. Kung sakali po talagang ano, ito po talaga kukunin ko. Noon pa man po, ito na talaga ang gusto kong kotse,” saad pa ni Erickson.

Matapos isama ni Viy sa “test drive” si Erickson ay inabutan niya ito ng susi ng kanyang brand-new car na mula kay Viy.

“Sa inyo na po. Sa inyo na talaga ‘yan, kuya […] Bigay ko po sa inyo. […] Siguro will ni Lord. Naghahanap po talaga ako ng isang taong mapagbibigyan nito,” wika ni Viy. 

Tila hindi naman makapaniwala si Erickson sa gift na kanyang natanggap mula kay Viy.

“Maraming salamat. Malaking tulong ‘to sa’min talaga. Hindi ako makapaniwala ma’am kasi nag-deliver lang po ako talaga. Hindi ko po ine-expect na magkakaro’n ng ganito,” pasasalamat naman ni Erickson.

“Sa pagbabalik ko bilang isang sales agent, nanumbalik sakin lahat ng mga sakripisyo ko noon. Kung paano ko inabot ‘yung mga pangarap ko. Ngayon, sobrang saya ng puso ko na nakilala ko si Kuya Erickson. At naging tulay ako para matupad naman ang pangarap ng iba,” wika pa ni Viy. 

Umani naman ng papuri mula sa mga netizens ang good deed na ginawa ng vlogger. 

“Literal na plot twist yung naka motor nagdeliver si Kuya tapos naka 4wheels na pag uwi!! Hindi talaga ako nagkamali ng sinusuportahang vloggers. Humbleness overload! Godbless po sa Team payaman and to Ms. Viy,” komento ng isa. 

Regine Caldona
Regine Caldona
Regine Caldona is a chronically-online content producer. She loves vibing to feel good K-pop songs.

Latest

YOU MAY LIKE