Sharon Cuneta breaks social media silence for CLOY’s Hyun Bin

-

Wow, si Hyun Bin lang pala ang magpapabalik sa social media kay Sharon Cuneta. After nga ng almost a month of absence, nagparamdam na si Ms. Shawie. At ang first post niya ay tungkol sa kinababaliwang K-drama ng titas of Manila na Crash Landing On You (CLOY).

“Hello everyone! How’ve you all been? I hope all’s been well with you all. Me, still resting, getting myself back together, and by God’s grace, getting better everyday. Also, someone crashlanded into my heart really hard. And now we are in a Secret Garden. LOL. Is this it, Gong Yoo? Hyun Bin, my heeeaaaaarrrt… #dimples #thatsmile #thatface#darnjustthisman,” ang IG post niya.

Kino-konek ang pamamahinga niya sa social media sa diumano’y misunderstanding nila ng anak na si KC Concepcion. February 13 ang huling post niya: “I will be back… Remember that I love you all and will forever be grateful to you for all your love and support. May God bless us all, always. Your Sharon (with heart emoticon).”

Disabled noon ang comment box niya kaya wala ring makapagtanong kung anong meaning ng kanyang message.

Hello, Love, Goodbye eere na sa TV

Ipapalabas na sa Cinema One sa unang pagkakataon ang highest-grossing Filipino film of all time na Hello, Love, Goodbye na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Alden Richards ngayong Linggo (Marso 15).

Sa ilalim ng direksyon ni Cathy Garcia-Molina, umiikot ang istorya ng pelikula mula sa Star Cinema sa mga pinagdaanang pagsubok nina Joy (Kathryn) at Ethan (Alden) bilang mga millennial OFW na na-in love sa isa’t isa habang nagtatrabaho sa Hong Kong.

Maraming manonood sa Pilipinas at sa ibang bansa ang napukaw ng Hello, Love, Goodbye, hindi lang dahil sa magaling na pagganap ng mga bida nito, kundi pati na rin sa makatotohanang pagpapakita nito ng totoong kalagayan ng mga Pilipinong nagtatrabaho sa ibang bansa.

Hello, Love, Goodbye stars Alden Richards and Kathryn Bernardo

Tumakbo ng P880 million sa takilya ang unang pagtatambal ng KathDen, at nagtala rin ng iba’t ibang record, gaya na lang ng pagiging unang pelikula na naipalabas sa Jeddah, Saudi Arabia at pagiging highest-grossing Filipino film sa Middle East, Australia, New Zealand, at United Kingdom.

Samantala, kanselado ang 51st Box Office Entertainment Awards na gaganapin sana sa March 15 at Newport Performing Arts Theater in Pasay. Kathryn and Alden were named Phenomenal Stars of Philippine Cinema para nga sana sa record-breaking success ng Hello, Love, Goodbye.

Si Aga Muhlach ang tatanggap Box Office King for his Metro Manila Film Festival entry Miracle in Cell. No. 7, habang ang child actress na si Xia Vigor, ang Box Office Queen awardee na gumanap na anak niya. Marami nang nag-cancel na showbiz events dahil sa patuloy na pagkalat sa bansa ng COVID-19.

Salve Asis
Salve Asis
Salve Asis is an entertainment columnist and editor of Pilipino Star Ngayon and Pang Masa. A member of the Cinema Evaluation Board, she’s one of the founders and officers of the Society of Philippine Entertainment Editors (SPEED).

Latest

YOU MAY LIKE