Mexican ang napiling theme ni Solenn Heussaff para sa maternity shoot niya na kuha ng kanyang kaibigang si Mark Nicdao.
Sa Instagram account ni Mark posted ang ilang pictures ni Solenn na anytime soon ay puwede nang manganak sa baby girl nila ng kanyang Argentinian husband na si Nico Bolzico.
May isang netizen lang na hindi natuwa sa recent photo ni Solenn na parang ginagaya niya si Frida Kahlo at inakusahan siya ng “cultural appropriation” na ang ibig sabihin ay unacknowledged adoption of ideas o panggagaya.
Sa mga hindi nakakaalm, si Frida Kahlo ay considered bilang Mexico’s greatest artist. Nagsimula siyang magpinta noong siya ay maaksidente. Habang siya ay nagpapagaling, naging libangan niya ang pagpipinta habang siya ay nakahiga. Dahil dito ay naging inspirasyon siya ng marami.
Caption ni Solenn sa kanyang Instagram post, “‘At the end of the day, we can endure much more than we think we can’ — Frida Kahlo.”
May nag-comment ng salitang cultural appropriation na agad na sinagot ni Solenn ng “Frida is an artist I really look up to. I’ve been painting since the age of 3 and have painted a lot of her artworks. She is one of the strongest women out there. Anyone that knows her story will respect and love her.”
Maraming netizen ang kumampi kay Solenn at sinabing wala namang masama sa kanyang ginawa. Nag-spread pa nga siya ng good vibes at inspiration.