Inanunsyo ng Chocolate Lover Inc. na permanente na nilang isasara ang kanilang store matapos ang halos 36 taon.
Sa isang Facebook video na ini-upload ni Annie Carmona Lim, ang owner ng Chocolate Lover Inc, sinabi niya na hanggang December 27, 2025 na lamang mag-ooperate ang kanilang business.
“Gusto ko lang pong ipaalam sa inyo na magsasarado na po kami. Sa December 27 po ’yung last day namin,” pahayag niya.
“Tuloy-tuloy pa rin naman po ’yung pagbebenta namin hanggang sa mga araw na ’yon. At tyaka ’yung mga fast-moving, mga chocolates, buttercream, walnuts, meron pa rin ho kami,” saad niya.
Kahit na nakatakda na silang magsira, sinigurado ni Annie na hindi nila umano pababayaan ang kanilang mga customers.
“Hindi namin pababayaan ’yung mga customers namin na kung kailan nila kailangan ngayong Pasko, bibitawan namin. Hindi po. ’Yung dedication ng Chocolate Lover sa mga nagbu-business, ganu’n pa rin ho ’yung support namin,” wika niya.
Kasabay nito, binanggit din ni Annie ang dahilan kung bakit magsasara ang kanilang negosyo.
”Gusto ko lang hong ipaalam na ang dahilan po kasi, ayaw na rin po kasing manahin ng mga anak ko. […] Tatlong taon ko na hong iniiyakan ito. Baby ko kasi ito eh. Pero kailangan ko na lang magsabi ng goodbye,“ pahayag niya.
Gayundin, pinasalamatan ni Annie ang mga loyal customers ng Chocolate Lover.
“Maraming marami pong salamat sa lahat ng suppliers namin, mga dati kong estudyante, mga customers namin. Eto na, good bye na. After 36 years, goodbye goodbye na tayo,” saad pa niya.
Kilala ang Chocolate Lover sa kanilang mga products katulad na lamang ng chocolates, buttercream, wallnuts, at iba pa. Kilala rin sila sa pagbebenta ng mga baking tools at supplies.