OPM band Ben&Ben reunites with Ed Sheeran

-

Tila ikinatuwa ng mga fans ang muling pag-reunite ng OPM band na Ben&Ben at English singer-songwriter na si Ed Sheeran matapos silang parehong mag-perform sa Off Limits Music Festival na ginanap sa Abu Dhabi kamakailan. 

Sa isang Instagram post, nag-share ang Ben&Ben ng isang photo habang sila’y nasa backstage kasama si Ed Sheeran.

“We got to meet Ed Sheeran again in Abu Dhabi! Grabeng core memory ‘to! Salamat, idol Ed!” saad ng Ben&Ben.

Kwento pa ng banda, tila naalala din sila ni Ed Sheeran.

“So eto na nga… naaalala kami ni Ed!! Thank you for seeing us and congrats sa bagong kanta! sana maka collab namin siya balang araw,” mensahe pa nila sa English singer.

Kasabay nito, sa isang Instagram post ay ibinahagi naman ng Ben&Ben bassist na si Agnes Reoma ang kanilang experience matapos nilang ma-meet ang singer.

Ayon kay Agnes, maituturing niya umanong “core memory” ito.

“Core memory yung siya mismo yung nag-hug samin like namiss nya kami,” kwento ni Agnes.

“Watching him for the second time left us all in awe. Idol talaga sa lahat. Gonna work and play harder para hindi eto yung last time na we’ll be sharing the same stage. See you soon, lodi!” dagdag pa nito.

Matatandaan na naunang nag-meet ang Ben&Ben at si Ed Sheeran noong March 9, 2024, matapos silang maging guest performer sa “+ – = ÷ x” tour nito na ginanap sa SMDC Festival Grounds.

Regine Caldona
Regine Caldona
Regine Caldona is a chronically-online content producer. She loves vibing to feel good K-pop songs.

Latest

YOU MAY LIKE