Franki Russel addresses relationship rumors with Marlon Stockinger

Mag-on na nga ba ang former Pinoy Big Brother housemate na si Franki Russel at ang racecar driver na si Marlon Stockinger?

Nagsimulang umingay ang umano’y pagkakaroon ng relasyon ng dalawa matapos silang mamataan sa La Union last month.

Nung Thursday ay tinanong si Franki ni Boy Abunda sa late-night show nitong Tonight with Boy Abunda kung ano ba ang real score sa kanila ni Marlon.

“No po. Getting to know each other po. As in friends kami. We hang out in groups.

“We’re both single po. I’m single and he’s single so there’s nothing wrong with that,” diretsong sagot niya.

Inamin din naman ni Franki na lumalabas din sila ni Marlon nang silang dalawa lang.

Natanong din ang former PBB housemate kung ano ang pakiramdam makumpara kay Pia Wurtzbach na as we all know ay dating girlfriend ni Marlon.

“There was a point in time that I would read negative things. Pero ngayon, na-realize ko, it’s not gonna make me feel any sort of happiness. So block na lang and not read.”

Natawa ang audience ng talk show nang tanungin ni Boy kung malapit na ba sila ni Marlon. Agad kasing um-oo si Franki na mabuti na lang ay nilinaw ni Boy ang ibig sabihin ng tanong niya. Ibig sabihin kasi ni Boy ay kung malapit na bang maging sila ng racecar driver.

Isang taon pa lang kasing naninirahan sa Pilipinas si Franki na ipinanganak at lumaki sa New Zealand. Pinay ang kanyang ina samantalang New Zealander-European naman ang kanyang ama.

Samantala, kung nagkakamabutihan pa lamang sina Marlon at Franki ay tila masaya na ang lovelife ngayon ni Pia.

Sa interview sa former Miss Universe ng Mega magazine kung saan siya ang March cover girl, hindi siya nagbanggit ng pangalan pero sinabi niyang inspired siya.

“I’m happy, I’m inspired, I feel very empowered. I feel like I can be myself and I don’t have to water myself down,” she said.

“I can be my full self. I can be my full Pia, 100% empowered Pia, fight mode all the time; I can be the alpha that I am, all the time. I don’t have to filter myself for anyone anymore.”

Kasalukuyang nali-link si Pia kay Jeremy Jauncy na isang travel editor at businessman.

Scroll to Top