Ynna Asistio ligtas na sa sakit na volvulus

-

Nasa ospital pa hanggang ngayon ang 28 years old na anak ni Nadia Montenegro na si Ynna Asistio dahil diumano sa matinding pagsakit ng tiyan.

Limang oras daw na tiniis ng dalaga ang kanyang nararamdaman bago siya nakarating sa ospital. Kinailangan pa raw kasi siyang ipalipat-lipat ng mga kapatid na sina Yssa at Alexander Asistio dahil puno raw ang mga una nilang napuntahang hospital.

“Hello, please pray for Alynna Alexandra Pia Asistio. We rushed her last night sa ER mga 11 am. Nag-hospital hopping po kami kagabi kasi halos lahat ng ospital sa Marikina and Antipolo punung-puno, walang kama, walang available. Pero thank God at around 4:30 am nakakuha kami room at napa-blood test, urinalysis namin siya, clear po lahat,” post sa Instagram stories ni Alyssa.

Clear naman daw ang lahat ng kanyang urinalysis at blood test, pero na-diagnose siya ng sakit na Volvulus. Isang kondisyon kung saan kusang nagbubuhul-buhol ang bituka ng isang tao.

Ynna Asistio was diagnosed as suffering from volvulus, a rare condition that happens when ‘part of the colon or intestine twists’. — Photo from Yssa Asistio’s Instagram 

Maaaring makaranas ng abdominal pain, abdominal bloating, pagsusuka, constipation at dumi na may dugo ang taong dinapuan nito.

Kwento ni Alyssa, “Nagka-severe abdominal pain siya for almost 5 hours. At around 5 am na-CT scan na siya. And na rule out yung appendicitis, but as of now, she was diagnosed with ‘VOLVULUS’. It’s a rare condition daw nag-swirl-swirl ang intestines niya. It might lead to an open surgery. Please please pray for her.”

Ayon sa latest update ni Alyssa, hindi na raw kinailangan pang operahan ang kapatid at hinihintay na lamang ang x-ray result nito at panibagong CT scan.

Makikitang lahat silang magkakapatid na nakabantay at nakaalalay kay Ynna.

Si Ynna Asistio ay eldest na anak nina Nadia Montenegro at the late former Caloocan Mayor Macario “Boy” Asistio Jr.

Matagal nang hindi napapanood sa TV si Ynna pero huli siyang napanood sa pelikulang Tabon na idinirek ni Xian Lim bilang entry sa Cinemalaya 2019.

Abala rin siya pagbebenta ng engagement rings at pagiging isang diamond specialist.

Bukod pa rito, kilala rin siya bilang ex-girlfriend ni Mark Herras na ngayon ay balak raw magpakasal sa current girlfriend nitong si Nicole Donesa.

Must Read