Baby boy ni Robin Padilla ikinasal na!

-

Matapos ang magandang balita ng panganganak ni Mariel Rodriguez sa pangalawang anak nila ni Robin Padilla na si Gabriela noong November 16, Sabado, sinundan ito ng isa pang good news.

Ikinasal ang bunso at nag-iisang anak na lalaki ni Binoe at ng ex-wife niyang si Liezl Sicangco na si Ali Padilla sa girlfriend nitong si Hannah na isang Australian Citizen noong November 17.

Eighteen years old lang si Ali, pero suportado siya ng kanyang pamilya sa ginawang pagpapakasal.

Hindi man nakapunta si Robin sa mismong kasal, nag-post naman ito ng ilang pictures ng venue na ginanap sa Broadbeach, Queensland, Australia at nag-iwan ng madamdaming mensahe para sa anak.

“God is Love that is why love is the most powerful of all more than any religion. Love was the reason why man was created and why man created religion to teach men to be grateful with the creator how to love and serve our fellowmen never to hate.

“Religion is with us for us to understand each other and be as one in glorifying the most high we are one family in the eyes of God never divided and the best of us are those who know how to love naturally the love that comes from the heart not of our conscience and knowledge. It is in our heart God lives it is where we connect to him.

“It is also where we can find the one destined to us. Love is our relationship with God without love all that is connected to us will wither and fade.

“I’m happy my son you have found your love that can bring you more closer to the one and only Creator. Fortunately you found your true love in such young age with this good fortune comes raging enthusiasm which you must temper with patience for nothing happens overnight in our youth.

“Rejoice, O young man, in thy youth; and let thy heart cheer thee in the days of thy youth, and walk in the ways of thine heart, and in the sight of thine eyes: but know thou, that for all these things God will bring thee into judgment.”

Nag-comment naman ng heart emoticon dito si Mariel.

Samantala, bukod kay Robin, may mensahe din ang panganay niya na si Queenie Padilla kay Ali.

Nag-sorry ito dahil wala rin ito sa araw ng kasal, pero proud daw siya sa kanyang kapatid. Alam daw niya na kahit bata pa itong nagpakasal, sure raw siyang magiging responsable itong asawa.

Aminado si Queenie na hindi pa rin daw siya makapaniwala at nahihirapan siyang i-let go ang kanyang “baby brother”, ganunpaman masaya siya para rito.

Si Queenie ay kasal na rin sa asawang Pakistani na si Usman Rashid pero wala pang anak.

Wala naman binigay na congratulatory message ang isa pa nilang kapatid na si Kylie Padilla.

Must Read