Jessy Mendiola maraming nadiskubreng similarities nila ni Ate Vi!

-

Kamakailan lang ay nag-celebrate ng birthday ang Star For All Seasons na si Lipa Congresswoman Vilma Santos sa Taiwan kasama ang kanyang pamilya at ilang kamag-anak. Kasama rin nila doon ang panganay niyang si Luis Manzano at ang girlfriend nitong si Jessy Mendiola.

Sa mga ipinost na story ni Luis sa Instagram account nito, makikitang masayang-masaya ang kanyang momski dahil kumpleto sila.

Tuwang-tuwa rin naman ang netizens sa nakitang closeness nina Ate Vi at Jessy.
Sa mismong araw ng birthday nito, nag-post ang dalaga ng kanyang pagbati kung saan tinawag niya rin itong “momski”.

“Happy birthday po Momski! Thank you for always being so caring and kind to all of us. Stay beautiful, happy and healthy Momski! We love you very much!”

Kinilig naman ang kanyang followers, parang mag-in laws na raw ang turingan ng dalawa.

Hindi lang sa birthday greeting ni Ate Vi nagtapos ang post ni Jessy, dahil noong Friday, naglabas naman ng pasilip ang aktres ng kanilang kulitan sa Taiwan at mapapanood ito sa kanyang YouTube Channel na Señorita Jessy.

Dahil daw sa Taiwan trip nilang iyon ay marami siyang nadiskubre na pagkakapareho nila.

“Nag-celebrate kami ng birthday ni Momski V sa Taiwan kasama ang buong pamilya ni howhow @luckymanzano.

“Sobrang saya at special kasi first time ko mag-out of the country with momski at first time ko din sa Taiwan! Ang dami ko rin na-discover na similarities namin because of this trip!

“You deserve all the love momski because you are a blessing to everyone around you!

“Panoorin ang aming kulitan sa Taiwan in my latest vlog! Uploaded now on my YouTube channel,” post ni Jessy sa kanyang Instagram account.

https://www.instagram.com/p/B46guEuBWL7/

Halos lahat ng mga kaibigan nina Jessy at Luis sa showbiz ay nagpapakasal na at nagkakaanak, kaya naman palaging naha-hot seat ang dalawa kung kailan sila susunod.
Pero ayon kay Jessy, naghihintay lamang daw sila ng tamang timing.

Samantala, abala ang dalawa sa kanya-kanyang project sa Dos, si Luis sa I Can See Your Voice at si Jessy naman, bukod sa vlogging ay meron siyang seryeng Sandugo kung saan kasama niya sina Elisse Joson, Aljur Abrenica at Ejay Falcon.

Kung nung mga nakaraan ay napabalitang lilipat na diumano ng network si Jessy, napagdesisyunan niyang mag-stay na lang sa ABS-CBN dahil sa Sandugo.

Must Read