Korean actress Song Hye-kyo follows Anne Curtis on Instagram

-

Tila napa-“sana all” na lamang ang mga netizens matapos i-follow ng South Korean actress na si Song Hye-kyo ang TV personality na si Anne Curtis sa social media platform na Instagram.

Maliban sa pag-follow, nag-story din si Hye-kyo ng isang photo kung saan makikitang kasama niya si Anne.

Base sa kanilang Instagram stories, nagkita sina Hye-kyo at Anne matapos silang um-attend ng wedding ng Korean-American model at entrepreneur na si Irene Kim na ginanap sa Seoul, South Korea kamakailan.

Umani naman ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga netizens ang naging interaction nina Hye-kyo at Anne.

“Literal na sana all‚ Anne!” komento ng isa.

“Prayer reveal mars!” wika ng isa.

“Lahat nalang sakses siya! Pinagpala!” dagdag pa ng isa.

Kilala si Hye-kyo sa kanyang remarkable roles sa mga K-drama na “The Glory,” “Descendants of the Sun,” “Full House,” “Autumn in My Heart” at iba pa.

Kasabay nito, matatandaan na kamakailan ay bumida rin si Hye-kyo sa isang Korean supernatural thriller film na “Dark Nuns.”

Regine Caldona
Regine Caldona
Regine Caldona is a chronically-online content producer. She loves vibing to feel good K-pop songs.

Latest

YOU MAY LIKE