Umabot ng million views sa TikTok ang video na ini-upload ng netizen na si Yuoko kung saan makikita ang kanilang pag-unbox ng isang K-pop album kasama ang kanyang ama na si Romy.
Sa video, makikitang isa-isa nilang tinitignan ang mga photocard pulls mula sa album na “17 is Right Here” ng K-pop boy band na SEVENTEEN.
@youkodc making our dad unbox our first (1 of 4) 17 is right here album dear ver. @SEVENTEEN legal na tayo sa ama ko!! ps. no dads were harmed in the making of this video, pero sumakit tenga niya pps. @CNA Philippines thank you sa pagpapauwi ng mga mag-jowa 🫶🏼 #seventeen #carat #17isrighthere #seventeenbestalbum #scoups #jeonghan #joshua #jun #hoshi #wonwoo #woozi #the8 #mingyu #dokyeom #seungkwan #vernon #dino ♬ original sound – uri yoo
“My sister was the one who actually came up with this idea. Ang dami kasi naming napapanood na unboxing videos at nakiki-sigaw kami sa pulls ng iba, then we thought, ‘Why don’t we do one also tutal ang oa naman natin every time?’ […] But then we also thought, ‘What if si daddy ang mag-pull? It would be hilarious!’” kwento ni Youko sa isang exclusive interview ng Pilipino Star Ngayon Digital (PSND).
“Paano namin napapayag? Pinilit lang talaga namin tapos pumayag na lang siya para matapos na. The album was delivered last night, nag-video kami after dinner, then posted it right away on TikTok,” dagdag pa niya.
“Kitang-kita naman sa video, grabe ang judgment sa eyes niya, parang napaisip na siya kung may mali ba siyang nagawa at nagkakaganito kami ngayon sa papel. He would judge me so hard every time na nag-uunbox ako dati pero sanay na siya sa tili namin. Araw-araw [ba] naman eh,” kwento pa niya.
dadi ko umabot ka na ng twt 😭😭😭 https://t.co/ZVi9HYnkpd
— youko⋆.˚ ᡣ𐭩 .𖥔˚ OPO AKO PO YUN (@flamingha0s) May 16, 2024
Ayon pa kay Youko, tila supportive umano ang kanyang ama sa kanyang fangirling journey.
“Both he and our mom are supportive, pinag-drive pa nila kami sa Bulacan kahit na taga-south kami a day before Follow to Bulacan [concert]. […] Nangamusta pa nga yun nung ticket selling para malaman kung nakabili ba kami ng tix,” wika pa nito.
Tila ikinatuwa naman ng mga K-pop fans ang nasabing video.
“I love doing this to my dad. He acts like he’s annoyed but i know he’s glad seeing us happy over silly things like this,” komento naman ng isang netizen.