Tila naantig ang karamihan sa isang heartbreaking story na shinare ng netizen na si Bev Brago sa social media patungkol sa kanyang pamangkin na si Yasha.
Sa Facebook post ni Bev, makikita ang mga messages ni Yasha sa yumaong ina nito na si Cherry.
Ayon sa kanya, August 2020 nang pumanaw ang kanyang kapatid na si Cherry dahil sa Lupus.
“My sister died last August 2020 because of lupus. [Two] years old pa lang si Yasha nun di niya rin nakita katawan ng mama nya since cremated na pagbalik sa amin. Pandemic and at the same time lock down,” pagpapatuloy niya pa.
Kwento pa ni Bev, ilang araw bago mag-celebrate ng 6th birthday si Yasha, nakita niya umano ang mga messages nito.
“Few days before she turned 6, she messaged her mom who [had] already passed away,” wika niya.
“Ngayon ko lang nakita since di ko naman pinapakealaman messenger nya. She sends a looooot of messages to her mom almost every day and waits to see if she will respond. Grabe no? Even though alam niyang wala na mama niya, inaantay niya pa rin,” dagdag pa nito.
Kaugnay naman nito, aminado si Bev na tila nalungkot din umano siya nang mabasa ang heartbreaking messages ng kanyang pamangkin.
“Hagulgol [ako] sa iyak when I first read it. Sobrang pure and innocent. She told me pa, ‘Dapat sabihin ko kay Lord pwede magdala ipad/phone sa heaven para makausap si mama’,” pagbabahagi pa niya.