“Baby no. 2 is coming!” ang tukso ng mga netizen sa mag-asawang Ogie Alcasid at Regine Alcasid habang nagbabakasyon sa Positano, Italy.

Diniretso nila ang bakasyon pagkatapos ng ASAP Rome last Sunday.

Dream honeymoon destination pala ng mag-asawa ang Positano nang sila ay ikasal noong 2010 pero hindi nila ito napuntahan.

“When we got married in 2010, our dream honeymoon was supposed to be here in Positano. We weren’t able to come because wifey got pregnant two months after.

“And so, we both said ‘maybe someday’. Well, the Lord has blessed us after nine years of waiting because finally we made it here. It certainly was worth the wait. Love you my baba,” ang sabi ni Ogie sa Instagram photo nila ni Regine.

Inirepost naman ito ni Regine at nilagyan naman niya ng caption na “Finally baba nakarating din tayo dito and you’re right it is worth the wait. I love you more baba.”

Ayaw sa siyensya

Sinabi noon ni Regine na wala pa silang planong sundan si Nate na ngayon ay seven years old na. Wala rin daw silang balak magpatulong sa siyensya para magkaroon ng another baby.

“Parang feeling ko, binigyan na nga ako. Pupunta pa ba ako sa siyensya para subukin? Parang feeling ko ibinibigay ‘yun talaga sa ‘yo kahit na pumunta ako sa siyensya kung hindi, hindi talaga.

Contented and happy raw ang mag-asawa sa kanilang unico hijo.

“So parang yun na yon, binigyan na ako. I’m happy. If He’s going to give us one more (baby) we will be so happy but I think tinatama na din kasi yung edad ko. Parang hindi na din kasi fair doon sa next. Wala na ako masyadong energy, hirap na nga kami kay Nate kasi wala na kaming energy,” pahayag ni Regine last year sa ABS-CBN.