Nag-alala pa rin ang fans ng sikat na South Korean girl group na Red Velvet matapos malaglag sa stage habang nagre-rehearse ang Red Velvet member na si Wendy last Christmas.
Agad na dinala ang singer sa ospital kung saan nakitaan siya ng fractures sa pelvis at braso sa kanang bahagi ng kanyang katawan. Meron din siyang kaunting facial injuries.
Ayon sa mga nakakita, nagkamali raw ng tapak si Wendy sa platform, ang akala raw nito ay may aapakan pa siya pero kulang pala ang steps.
Hindi naman maiwasang masisi ang SBS na siyang may hawak ng show sa nangyaring aksidente kaya agad itong humingi ng paumanhin sa fans at supporters.
Samantala, dahil din sa nasabing aksidente, napagdesisyunan nilang hindi na lang magpe-perform year-end festivals sa Korea dahil nasa ospital pa rin si Wendy.
Anyway, sa rami ng South Korean girl group na nagsusulputan ngayon na kinababaliwan ng napakaraming millennial, isa ang grupong Red Velvet sa kanilang mga sinusubaybayan.
Lima ang miyembro ng nasabing grupo na binubuo nina Irene, Seulgi, Wendy, Joy at Yeri, na nagpasikat sa mga kantang Happiness, Ice Cream Cake, Dumb Dumb, Russian Roulette at marami pang iba.
Ang Red Velvet ay nabuo noong 2014 sa ilalim ng SM Entertainment. Kilala sila sa pagsusuot ng makukulay at cute na damit dahil na rin sa concept nila ng pagiging masiyahin pero mature at elegant side.
Taong 2018, pinangalanan ang Red Velvet ng Time Magazine bilang isa sa pinakadabest na K-Pop groups, habang taong 2019 naman nang koronahan sila ng Billboard bilang ‘the best idol group alive.’
Hindi rin nagpahuli ang kanta nilang Red Flavor dahil pinarangalan ito bilang second-best K-Pop song of the 2010s.
Noong April 2018, nag-perform ang Red Velvet sa Pyongyang, North Korea, sila ang ika-pitong pinakahinahangaang grupo na nakapag-perform sa NoKor.
Kinanta nila ang Red Flavor at Bad Boy na bahagi ng concert nilang Spring Is Coming na parte ng pagkakasundo ng South Korea at North Korea.
Pinarangalan din sila ng Minister of Culture, Sports and Tourism’s Commendation Award dahil sa kontribusyon nila ng pagpapalaganap ng awareness tungkol sa popular na sining at kultura ng South Korea.