Sa Cologne, Germany nag-celebrate ng Pasko si Ellen Adarna kasama ang anak nila ni John Lloyd Cruz na si Elias Modesto.

Sa pictures na naglabasan sa mga fan accounts online na ang iba ay uploaded ng relative nilang si Mika Adarna, makikitang game na game ang mag-ina na makipag-picture taking habang naka-costume kasama ang buo nilang pamilya.

Photo courtesy of @ellen_jlc
Seksing-sexy si Ellen suot ang kanyang Christmas tree dress habang gift box naman ang attire ni Elias.


Matagal nang nababalita na hiwalay na ang inactive sexy actress at si John Lloyd. Walang balita kung saan nag-Pasko si John Lloyd.