Julia may kapalit daw ang binigay na P500,000 sa lolo?

-

Tuloy ang giyera sa pamilya Barretto. At parang mas lumala araw-araw.

Sa kanyang IG story ay pinagsabihan ni La Greta ang pamangkin na tigilan na ang panggagamit sa kanyang lolo na namatay. 

“Julia, Dennis your father, is alive and longing for your love. Stop using Pikey, maawa ka,” message ng controversial socialite sa screenshot IG video ng Kapamilya actress.

Gretchen Barretto and Julia Barretto

Hindi lang ‘yun, meron pang pasaring si Gretchen na diumano ay gusto nilang pabayaran ang P500,000 na hospital bill ng kanilang amang si Mr. Miguel Barretto pero kapalit ang property ng pamilya Barretto sa Subic bago ito namatay a week ago.

Gretchen: “Ask Marjorie Itchie-very, how much did you contribute to pay for the hospital bill of dad? 50k.

“Julia? 500k but you asked for Pikey Subic home in return for the 500k.

“He was still alive & you wanted to take his home to pay St. Luke’s. That’s not love. That’s not helping. Last few days of lolo Pikey life, you wanted his home to the tune of 500k.”

Meron pang IG story si Gretchen na picture ni Marjorie na naka-open ang legs as in nakabukaka at sa ibabang photo ay ang mga anak nila. “Well-raised.”

Wala pang sagot sa kanyang social media account niya sina Marjorie and Julia.

Nauna nang nag-explain si Gretchen sa viral photo nila ni Mr. Atong Ang na magkahawak-kamay na natutulog sa eroplano. 

“Unaware I crossed a bit over a bit much. … This photo was sent through direct message … It is clear I was asleep on a plane ride.

“Nothing wrong with these photos. Fully clothed, no naked photos like of (Marjorie itchie-very),” katuwiran ng controversial na socialite/inactive actress.

Annabelle to Gretchen: ‘Halos buong mundo, isinusumpa ka

Wala mang particular na pinatutungkulan, tuloy ang pagpo-post ni Ruffa Gutierrez tungkol sa “family.”

Ito ay matapos nga siyang idawit at sabihang nakikisawsaw ni Gretchen nang mag-comment siya sa Instagram post ni Julia the other day  ng “freshhhhhh” na may kasamang tatlong star eyes emoji.

Hindi nagustuhan ‘yun ni Gretchen. Ini-screengrab niya at nilagyan ng comment na “sawsaw pa more Ruffy! Take it take it” sa kanyang IG story.

As expected, mabilis ang resbak ni tita Annabelle Rama sa pag-iimbyerna ni Greta kay Ruffy.

“Kawawa ka naman. Halos wala ka ng kakampi. Halos buong mundo, isinusumpa ka. Nananahimik kami, bakit galit ka sa comment ng anak ko, masama bang mag-comment ng positive?

“Bakit ka ba nagwawala, hindi naman tungkol sa ’yo ang comment?! Dapat kang magalit sa mga nag-post ng pictures n’yong dalawa ng boyfriend mo na nasa airport kayo hanggang sa airplane.

“Ayaw kong pahabain pa itong sagot ko sa ‘yo. Magbasa ka na lang ng bad comments ng netizens about you at doon ka mag-react!” ang litanya ni tita Annabelle.

Pero burado na ito though maraming naka-screenshot kaya marami pa rin ang nakabasa.

“The next time they try to put you down, just remember that confidence is silent but insecurities are loud AF. ?✨ #HappyLife #HappyGirl #PositiveVibes,” post ni Ruffy na walang naka-particular pero alam kung kanino patama. 

“Tama, huwag mo na patulan ‘yan. Don’t waste your precious time! Basta mahal ka namin ng family mo, ‘yon ang importante!” reply ni tita Annabelle na kilalang laging palaban basta mga anak ang sangkot sa usapan. 

Di pa dun natapos. Earlier today ay nag-post uli si Ruffa na may pa-hashtag na ? #Blessed #FamilyLove #HappyLife. “Waking up today with a grateful heart. ❤️?? Taking a moment to breathe, pray and be thankful for the gift of family. Masaya, minsan nagkakatampuhan, maingay (lalo na si mommy ??) pero ang pinakaimportante nagtutulungan at nagmamahalan kami. I love you fambam!”

Na sinundan niya ng: “Ang ina ang ilaw ng tahanan, gumagabay sa mga anak, ginagawa ang lahat para sa ikabubuti ng pamilya at higit sa lahat, pamilya ang laging unang iniisip. ❤️ In 7 days, my mom @annabelleramaig celebrates her birthday. ✨?Today I would like to honor her and say that i am proud to be Annabelle’s daughter. A fiercely loyal wife, mother and friend. Thank you for all that you do for our family. Nag-iisa ka. ??❤️ #AnnabellesDaughter #motherhood #familylove.”

May tweet din siyang “Today I would like to honor her and say that I am proud to be Annabelle’s daughter. A fiercely loyal wife, mother and friend. Thank you for all that you do for our family. Nag-iisa ka @annabellerama2  ??❤️ #AnnabellesDaughter #motherhood #familylove.”

Kilalang away-bati ang relasyon ng mag-nanay na Annabelle and Ruffa pero laging silang magkakampi pag may nakalaban ang kanilang pamilya.

Pero wait ‘di ba friends din naman sina Ruffa and Gretchen?

Salve Asis
Salve Asis
Salve Asis is an entertainment columnist and editor of Pilipino Star Ngayon and Pang Masa. A member of the Cinema Evaluation Board, she’s one of the founders and officers of the Society of Philippine Entertainment Editors (SPEED).

Must Read