Ayaw sabihin ni Kris Aquino kung ano talagang sakit niya. Lately ay inactive si Kris sa social media at hindi na nagkukuwento sa kanyang health situation.
Pero sa isang reply sa follower niya na nagtatanong kung nakadalaw siya sa wake ng mommy ni Tito Boy Abunda ay sinabi nitong “I was bleeding heavily from October 23 until just this Friday, December 6. I didn’t want to discuss my health but by keeping quiet I know my friendship with Boy will be judged (although the person who had the most right to judge me, Boy Abunda compassionately understood and message me to say how proud he was about how loving and mature Bimb has grown up to be) — my WBC, RBC, hemoglobin and hematocrit all dropped so since my one event on November 27, I had been confined to total bed rest.”
“Boy and I because we have a genuine friendship have been communicating privately and I hope you and other won’t try to create intriga between us, especially when he is still grieving. #peace,” ang part ng reply ni Kris.
Nag-agree naman ang marami niyang followers na ‘wag nang mag-intriga. Pasko na dapat maging mabait na lang ang lahat. Anyway, sa kabila ng kanyang health crisis, nagawa naman ni Kris na mag-distribute ng gift sa kanyang showbiz friends. Get well soonest Kris.
Pacman tumanggap ng diploma!
Ang diploma na kaya ni Sen. Manny Pacquiao sa Political Science (Major in Local Government Administration) ang maging passport niya para maging presidente ng Pilipinas? Naunang sinabi ng manager niyang si Arnold Vegafria sa isang interview namin na totoong maraming nagko-convince kay Sen. Manny na kumandidato sa pinaka-mataas na position sa bansa pero wala pa diumano itong final decision.
“Hindi niya pa iniisip ‘yun. Well, maraming nag-e-encourage. Pero ang lagi niyang sinasabi, ‘in God’s will,” sabi sa amin ni Arnold sa isang previous interview.
Maraming judgemental na nagsasabing walang karapatan ang boxing champion na maging presidente ng bansa dahil wala siyang pinag-aralan. Eh kaso naging persitent siyang maka-graduate. Besides ayon sa isang malapit sa boxer / politician naniniwala sila sa sinabi ni Abdul Kalam na “Some of the brightest minds in the country can be found on the last benches of the classroom.”