Carla Abellana reacts on being called as the ‘Patron Saint of Concerned Citizens’

-

Nag-react ang aktres na si Carla Abellana patungkol sa bansag sa kanya ng mga netizens na “Patron Saint of Concerned Citizens” at “Queen of Call-out.”

Sa isang interview ni Carla sa programa na “Fast Talk with Boy Abunda,” sinabi ng aktres na tila “laughing matter” na lamang sa kanya ang mga bagay na ito.

“I guess in a way medyo flattered kasi nabibigyan po ng title, nabibigyan ng pansin in a way, so for me parang ano na lang po, laughing matter siya,” saad ng aktres.

Matatandaan na kamakailan lamang ay nag-viral sa social media ang ilang mga posts ni Carla kung saan naging vocal siya sa panawagan na wakasan ang korapsyon sa bansa.

“Ako po as long as I’m affected by it or it hits me personally parang I feel involved or I feel like I’m affected by it directly in some way, that’s when I really parang lumalabas po kasi talaga ‘yung frustration, galit, ‘yung helplessness parang ganun po,” pagbabahagi niya.

“Pag ganun po, hindi ko na po napipigilan kundi mag-call-out or mag-voice out,” dagdag pa ng aktres.

Ayon pa sa aktres, “frustration” umano ang nagiging pangunahing trigger kung bakit niya pinipiling mang-call-out.

“I’ve always been quiet eh. Quiet lang po ako hindi po ako ‘yung nangingialam or what. Kaya siguro ‘yung frustration na ‘yung trigger eh because parang I feel like it’s about time I used my voice, enough na po ‘yung pagiging tahimik. If you want to prove a certain point, if it really affects you in a certain way, speak up about it na po,” wika niya.

Kaugnay nito, aminado rin si Carla na mayroong ilang mga netizens na tila hindi nag-a-agree sa kanya sa tuwing siya ay nangko-call out.

“It’s part of the risk that you take na talagang hindi po lahat mag-a-agree with you. Of course may magagalit po, may mag re-react negatively, hindi po maiiwasan ‘yun,” saad niya.

“I guess sanay na rin po ako because of our industry na talagang ultimo ‘yung mga wala na pong kinalaman from the past, hinahalungkat po nila, ibabalik po nila, gagamitin nila,” wika niya.

“Honestly, to me it’s nothing. Part po siya, parang ganun po, ready po ako just in case,” dagdag pa nito.

Regine Caldona
Regine Caldona
Regine Caldona is a chronically-online content producer. She loves vibing to feel good K-pop songs.

Latest

YOU MAY LIKE