Hindi napigilang maglabas ng kani-kanilang reaksyon ang mga personalities na sina Vice Ganda at Karen Davila patungkol sa umano’y P35.24 billion budget insertions na inilaan sa mga flood control projects sa Bulacan noong taong 2022 hanggang 2025.
Sa Senate Blue Ribbon Committee hearing nitong Martes, September 23, nabanggit ni dating Department of Public Works and Highways (DPWH) district engineer Henry Alcantara si Ako Bicol Representative Elizaldy Co.
“Nung September 2021, nagkakilala kami ni Congressman Zaldy Co sa isang pagtitipon, meeting, sa Shangri-La Bonifacio. Du’n ay napag-usapan namain ang plano ni Cong. Zaldy na sumubok na magbaba ng pondo sa aking distrito para sa iba’t ibang proyekto,” saad ni Alcantara.
”[…] Sa pagitan ng apat na taon, mula 2022 hanggang 2025, naging tagapagtaguyod si Cong. Zaldy ng mga proyekto sa Bulacan. Mahigit kumulang 426 na proyekto. Ang kabuuang halaga ng proyekto na ito, ayon po sa nakalap kong record, ay hindi bababa P35.24 billion,“ dagdag pa nito.
Dito, nag-speak up na si Vice patungkol sa halaga na umano’y ”ninakaw“ sa mga mamamayan.
’ANO BA DAPAT ANG SABIHIN NG MGA NANAKAWAN? ‘THANK YOU PO MAM/SIR?!‘’
— Pilipino Star Ngayon Digital (@psngayondigital) September 23, 2025
Iyan ang saad ng TV personality na si Vice Ganda sa kanyang post sa social media platform na X. pic.twitter.com/C7JTZhwOaJ
”Sa Bulacan pa lang to! Magkano na pag buong Pilipinas? At nakaw pa lang ‘to sa DPWH. Paano pa pag sinama yung sa ibang departments tulad ng Health, Customs, Education etc?“ saad nito sa kanyang post sa social media platform na X.
”Tapos yung iba kukuwestiyon bakit ako napamura? Ano ba dapat ang sabihin ng mga nanakawan?? ’THANK YOU PO MAM/SIR?!’“ dagdag pa niya.
Kasabay nito, nagsalita rin ang broadcast journalist na si Karen Davila patungkol sa ”panggagatas“ ng gobyerno.
'GINAWANG GATASAN ANG GOBYERNO'
— Pilipino Star Ngayon Digital (@psngayondigital) September 24, 2025
Ito ang saad ng broadcast journalist na si Karen Davila sa kanyang post sa social media platform na X.
"Mapapamura ka talaga sa galit. Huwag po nating kalimutan ito," saad niya. pic.twitter.com/g1JDetg1rw
”Mapapamura ka talaga sa galit. Huwag po nating kalimutan ito. Ginawang GATASAN ang gobyerno. Kay Zaldy Co palang umano ito. Isipin niyo ang iba pang congressman na may insertions, cut ng DPWH at mga kontratista,“ wika niya sa kanyang post.
”During the senate hearings, estimates are the national budget can do with P1 trillion less. Napupunta lang ito sa kickback, insertions, lagay sa substandard or ghost projects,“ pagpapatuloy pa nito.
Matatandaan na kabilang si Vice sa mga personalidad na nakiisa sa ”Trillion Peso March“ protest na ginanap sa EDSA People Power Monument noong September 21.
”Hindi tayo pwedeng sumuko lang nang gani-ganito. Kaya hinahamon ka namin, Pangulong Bongbong Marcos, kung gusto mong magkaroon ng magandang legasiya ang pangalan mo, ipakulong mo lahat ng magnanakaw,“ pahayag ni Vice sa kanyang speech sa Trillion Peso March“ protest.
”“[…] Tapos na ang panahon na natatakot tayo sa gobyerno. Takutin natin ang gobyerno dahil ang kapangyariha’y nasa satin, wala sa kanila,” dagdag pa niya.