Viral ngayon sa social media ang video kung saan makikita ang blooper moment ng broadcast journalist na si Karen Davila sa primetime newscast TV Patrol.Â
Sa nasabing video, makikita na dumaan si Karen sa likod ng kanyang fellow newscaster na si Noli de Castro habang nag-uulat ito.
Good Morning đ may âwhite ladyâ na naglakad đ sorry guys! Have a good one today! https://t.co/X6fll8fmdl
— Karen Davila (@iamkarendavila) October 29, 2024
âMay âwhite ladyâ na naglakad. Sorry guys!â wika ni Karen nang mag-react ito sa kanyang viral video.
Kaugnay nito, nag-iwan naman ng ibaât ibang hirit ang mga netizens sa nasabing video.
âYUNG UMABSENT KA TAPOS NAKITA MO PROF MO SA MALLâ đ
— Pilipino Star Ngayon Digital (@psngayondigital) October 29, 2024
Kumalap ng ibaât ibang hirit mula sa mga netizens ang video kung saan makikita ang blooper moment ng broadcast journalist na si Karen Davila sa TV Patrol. pic.twitter.com/OKukBhWqsT
âGanyan po ang reaksyon nung dumating ang Shopee/Lazada order tapos wala pang pambayad,â biro ng isang netizen.Â
âYung umabsent ka tapos nakita mo prof mo sa mall,â hirit ng isa.
âNag sick leave ka tapos nakita mo ang boss mo sa mall,â pabirong saad ng isa.
âYung nagkita kayo sa hallway ng X mo ang peg,â wika pa ng isa.
Kaugnay nito, nag-apologize naman si Karen para sa kanyang naging blooper moment.
Lakas din mangtrip ni Ate B! đ€Ł https://t.co/y5Zv6qyJp4 pic.twitter.com/2uEYpe6L6D
— noi âšđ (@noiknows) October 28, 2024
âGuys, sorry po ah, sorry kanina at naging white lady ako sa likod ni Kabayan,â pahayag ni Karen.
ââDi ko sinasadya âyon, nangyayari po ang mga bloopers, hindi ako nag-iisa,â pagpapatuloy pa nito.