Ibinahagi ng TV personality at komedyante na si Michael V. na nais niyang makapagpatawa ng mga tao sa pamamagitan ng pag-portray sa kanyang character na si ‘Ciala Dismaya’ sa recent episode ng Bubble Gang.
Sa episode ng Bubble Gang na umere nitong September 14, makikita din ang ilang mga karakter katulad nina “Sen. Espada,” “Cong. Markolekta,” “Sen. Mimani,” “Cong. Kurakot,” at “Sec. Kubra.”
Ciala Dismaya: “Hindi ko po binili ’yung Rolls-Royce dahil po may libre po siyang payong. Binili ko ’yung payong dahil may libre siyang kotse.” 😭
— Pilipino Star Ngayon Digital (@psngayondigital) September 15, 2025
(YouTube/YouLOL) pic.twitter.com/JJZU3JhJbl
“Kung ano ‘yung issue sa Senado, ‘yun din ang issue na tinackle namin. Pero as usual with the Bubble Gang formula, kailangan ilihis mo nang konti at humorous siya,” wika ni Michael V. sa isang exclusive interview ng GMA News.
“Ang attempt namin ay hindi para manira ng tao kundi para magpatawa ng mga tao,” dagdag pa niya.
Pagbabahagi pa ni Michael V., sa kanyang portrayal kay “Ciala Dismaya,” sinubukan niya rin itong lagyan ng ilang elements ni Mr. Assimo.
“Una ang napansin ng mga tao parang si Mr. Assimo daw ‘yung ginagaya. Tapos biglang nag-shift doon sa kamukha ko raw. ‘Yun nga ‘yung napansin ko noong una, parang kahawig ko nga. Tapos nakikita ko sa mga comments eh namemention palagi si Mr. Assimo. Sabi ko pagsamahin ko na lang kaya parang pwede naman. Mukhang nag-work naman,” wika niya.
May sasabihin pa siya! 🫢💰🏎️🌂🌊⚖️
— Bubble Gang (@bubblegang) September 9, 2025
Abangan ang kanyang hearing ngayong Linggo, Sepr. 14, 6:10 PM sa #BBLGANG. 🧑🏻⚖️#BG30 pic.twitter.com/fOdZcE2AQH
Ayon naman sa komedyante, sa ngayon ay bukas din siya sa possible sequel ng kanilang “Ciala Dismaya” episode.
“Antayin natin. Antayin nating kung gaano kalala ‘yung magiging mga akusasyon dito kay Ciala Dismaya. At pagka mayroon naman, siguradong hindi kayo madidismaya. Magkakaroon naman ng part two ‘yan,” pahayag niya.
“Feeling ko, kung makakatulong ‘to sa pag-create ng awareness sa mga totoong nangyayari, sa issue na nangyayari sa bansa natin, e ‘di sige. By all memes,” pagpapatuloy pa niya.
RELATED VIDEO: