TikTok content creator na si Niana Guerrero, ibinahagi ang kanyang experience matapos siyang ma-follow sa TikTok ng BTS member na si Jungkook.
Sa programa na “Fast Talk with Boy Abunda,” natanong ni Boy Abunda si Niana kung nagkaroon sila ng interaction ni Jungkook.
‘HE WOULD LIKE SOME OF MY VIDEOS AND ALSO COMMENT ON THEM’
— Pilipino Star Ngayon Digital (@psngayondigital) September 17, 2024
Iyan ang ibinahagi ng dancer at content creator na si Niana Guerrero patungkol sa BTS member na si Jungkook. pic.twitter.com/oqItY8yxHs
“Well, yeah. Sa mga comments, and then liking videos. He would like some of my videos and also comment on them,” kwento ni Niana.
IKAW NA TALAGA, NIANA 🤩❤️🔥
— Pilipino Star Ngayon Digital (@psngayondigital) November 23, 2023
BTS member na si Jungkook, muling nag-comment sa dance cover ng vlogger na si Niana Guerrero sa kanyang kanta na “Standing Next To You.”
"🔥🔥🔥,” komento ni Jungkook sa TikTok video ni Niana.
“aahhhhh 😭😭,” wika naman ni Niana. pic.twitter.com/TMPqqouqLT
Ayon pa kay Niana, tila supportive din ang mga K-pop fans sa pag-follow sa kanya ng nasabing K-pop idol.
“A lot of people were supportive about it ’cause they knew na bias ko si Jungkook,” saad ng content creator.
“And then, they would just be happy, especially here sa Philippines. They be like, ‘Oh my gosh, Philippines!’” dagdag pa nito.
Matatandaan na noong August 2023 ay finollow ni Jungkook si Niana sa TikTok.
‘SANA ALL, NIANA’ 🤩👏🏼
— Pilipino Star Ngayon Digital (@psngayondigital) August 3, 2023
Ito na lamang ang naging reaksyon ng mga Filipino fans makaraang i-follow sa TikTok ni BTS member Jungkook ang content creator na si Niana Guerrero. pic.twitter.com/70412zlzp4
Kasabay nito, nag-comment din si Jungkook sa ilang mga videos ni Niana.
Samantala, kasalukuyan namang naka-enlist sa military si Jungkook, gayundin ang ilang mga BTS members.