Melai Francisco opens up about the condition of her parents: ‘Ang gamutan nasu-survive, P100k every month’

-

Ibinahagi ng TV personality na si Melai Francisco sa isang panayam ang patungkol sa current condition ng kanyang mga magulang. 

“’Yung parents ko nga, si Mama nga, isa na lang ang kidney… Nagkasakit kasi ’yung isang kidney niya, tinanggal na lang. Si Papa naman is may cancer… prostate cancer,” pagbabahagi ni Melai sa vlog ni Bernadette Sembrano.

Ayon sa kanya, gumastos siya ng P100,000 every month para sa gamutan ng kanyang mga magulang.

“Thank you Lord kay ang gamutan nasu-survive, P100,000 every month… Nasu-survive dahil kay Lord, [sa] binigay Niyang trabaho,” pahayag niya.

Sa kabila ng lahat, feeling grateful pa rin si Melai para sa mga blessings na kanyang natatanggap at nanatiling matatag ang kanyang pananalig sa Diyos.

“Blessing ko pa din itong binigay Niya sa ’kin. […] Sino namang mag-iisip no’n na mabibigyan ako mga ganung award… may mga endorsement na pumasok. Thank you Lord at nasu-sustain [ko] ang… needs ng parents [ko],” saad niya.

“Kasi P100,000, mapo-provide ko ba ’yun eh may sarili na din akong pamilya? Sinong magbibigay no’n? Ito si Lord, grabe. Talagang hindi mo na kailangan pang mamroblema,” pagpapatuloy niya,” dagdag pa nito.

“Ang parents ko naman, hiyang-hiya. Sabi ko, masaya tayo dahil binibigyan tayo ni Lord. Hindi man ’yan sa akin, para din ’yan sa inyo. Sumunod lang kayo sa gamutan para masaya ang mga anak niyo,” wika niya.

Bukod pa rito, nag-share din si Melai patungkol sa kanyang faith.

“Maloko lang talaga ’ko pero talagang ‘pag kay Lord, talagang hands down talaga ‘ko. ’Lord, sayo na ‘to, Lord,’” pagpapatuloy pa nito.

Matatandaan na nitong Disyembre 2023 ay pinarangalan si Melai bilang Best Actor sa Asia Artist Awards. Kasabay nito, kamakailan lamang ay nabigyan din siya ng panibagong project na “Kuan On One.”

Regine Caldona
Regine Caldona
Regine Caldona is a chronically-online content producer. She loves vibing to feel good K-pop songs.

Latest

YOU MAY LIKE