Melai Francisco expresses appreciation to husband Jason Francisco, shares how they handle finances as couple

-

Ipinahayag ng aktres na si Melai Cantiveros-Francisco ang kanyang appreciation para sa asawang si Jason Francisco.

Ito’y matapos pag-usapan nina Melai at Ogie Diaz sa pinakabagong vlog ng huli ang mga komentong nagkukumpara sa aktres at sa kanyang asawa.

“Walang comparison pagdating sa kita? Like ‘di siya nakakarinig ng mga pagkukumpara ng ‘Parang mas nagtatrabaho yata si Melai kaysa sayo?’ Kasi nga hindi masyadong nakikita si Jason,” tanong ni Ogie.

Sey ni Melai, aminado siya na nasasaktan siya sa ginagawang “comparison” sa kanila ng mga tao. 

“‘Yun nga naaawa ako sa kanya din eh kasi ginaganon siya ng mga tao. Kung sinuman may masasaktan, ‘yung asawa talaga. Siya naman, hindi naman ‘yan masasaktan kung sino ‘yung binabato nila. Pero ikaw, masasaktan ka talaga. Walang comparison sa kanya kasi kung may comparison man, matagal na kong umalis sa buhay niya. Ito ngang ine-explain ko eh, kailangan ko pa ba iexplain eh buhay naman natin ‘to?” sagot ni Melai.

Dito ay ikinwento rin ni Melai kung gaano siya naa-amaze sa kanyang partner.

“Pero sobra akong na-amaze nga sa asawa ko kasi nung una pa kaming nagsama, kasi old school siya na lalaki. Nung una, pinag-awayan namin kung sa’n kami titira. Eh syempre ako, matigas ang ulo ko, ‘Titira ako sa Gensan,’ sabi niya, ‘Eh ako sa Mindoro. Ha? Nag-asawa pa tayo,’ sabi niya. Dapat daw kasi ang babae daw sumunod daw sa lalaki eh syempre may pagkamatigas ang ulo ko. So hanggang natapos ‘yung usapan, ‘Sige sa Mindoro na lang tayo titira,’” pagbabahagi ni Melai.

Kaugnay nito, shinare din ni Melai ang sistema nilang mag-partner pagdating sa usapin ng pera. 

“Pangalawa na dun ako na-amaze naman sa kanya is sabi niya ‘Ang pera mo ay sa’yo, ang pera ko ay sa atin.’ So dun ako na-amaze kasi dun din ‘yung time na wala din akong trabaho kasi nga nagbubuntis din ako, sa Gensan ako nun. So na-amaze talaga ko nun sa kanya kasi bigay talaga siya nang bigay ng pera. ‘Yung sobre talaga. Na-aappreciate ba ng mga tao ‘yun? ‘Di ba? Hindi naman naa-appreciate ng mga tao ‘yun,” pagpapatuloy pa niya.

Melai defends Jason from critics

Kasabay pa nito, dinefend din ni Melai si Jason laban sa mga tao na nagsasalita nang masama patungkol sa kanyang asawa. 

“Pero yung mga moments na ganito na may pinagdadaanan siya, meron pa siyang nararamdaman na anxiety, na hindi siya makapagtrabaho, Tapos hindi siya makita sa TV, so ibig sabihin wala na siyang kuwentang tao dahil hindi na siya (active)?” wika niya.

“Kaya nga mag-asawa kasi nga nagtutulungan. Ito yung ibig kong sabihin sa mga marites ba na nagsasabi nang masama against sa asawa ko. Kaya talagang ako lang ang nakakaalam sa suweldo ko, kaya ako lang ang nakakaalam, at manager ko, kung ano ang pumapasok sa bank account ko. Pero siya [Jason] pag may pera siya, hinuhulog niya sa akin. Tapos ako naman ang magba-budget sa amin, kung ano lang ang gusto niyang kunin. Kailangan ko pa bang sabihin sa mga tao yun na ganon ang asawa ko?” pagpapatuloy pa ni Melai. 

“Isa yun sa mga dahilan kung bakit talagang parang, siyempre, nag-i-stay ka sa asawa mo, yung respeto… Hanggang ngayon hindi niya alam ang mga TF ko. Tanungin mo siya. Wala talaga… at hindi yan magagalit,” pagbabahagi niya. 

Kwento pa ni Melai, “old school” umano si Jason at provider din ito ng kanilang pamilya.

“May time sa buhay namin na parang humina siyang kumita ng pera noon. Mamatay pa siya na humingi, manghingi sa akin,” kwento ni Melai.

“Parang binibilang niya, na parang, ‘Paubos na yung pera ko, e, kawawa naman yung asawa ko.’ E, siyempre, yung pera ko, atin yon yon. Pero siyempre, ako, parang na-amaze ako na sa tagal ng mga ganon, hindi pa talaga yung pera mo, i-share naman natin,” saad niya pa.

“Maaaring ma-pride o talagang old school na, ‘Lalaki ako. Ako lahat dito. Walang problema,” wika pa nito.

“Hindi naman ako abnormal na nakikipag-asawa, na pa-martir ako… Kung walang kuwenta iyan, aalis na ako sa buhay, e. Pero siyempre, may mga anak din kami,” wika pa ni Melai.

Nang tanungin naman ni Ogie kung naapektuhan ba si Jason sa mga sinasabi ng netizens, sinabi ni Melai na minsan ay nafe-feel niya ring nasasaktan din ang kanyang asawa.

“Dahil nga may pagka ma-pride. Pero ako nararamdaman ko sa kanya na medyo nasasaktan din siya. Siyempre, pagkatao na niya ang tinitira,” pahayag ni Melai.

“Ako talaga ang nasasaktan. Siya naman kinakaya lang niya. Pero siyempre, dumadating talaga sa point na hindi ka talaga puwedeng okay lang lagi. Minsan nada-down ka talaga,” dagdag pa niya.

“Kaya minsan, kaya siguro isa din yan sa reason kung bakit ayaw na niyang mag-artista. Ayaw na rin niyang sabihin yung mga ginagawa niya sa buhay para manatiling misteryo,” wika niya pa.

Regine Caldona
Regine Caldona
Regine Caldona is a chronically-online content producer. She loves vibing to feel good K-pop songs.

Latest

YOU MAY LIKE