Joseph Marco nag-umpisa na ng taping sa Kuala Lumpur

-

Wow, si Joseph Marco ang latest Filipino talent na gagawa ng ingay abroad dahil parte na siya ng isang international series na mapapanood sa HBO Asia.

Masayang ibinahagi ng Kapamilya aktor sa kanyang Instagram account ang balita at nagpapasalamat para sa oportunidad na makagawa ng proyekto sa ibang bansa.

“Where did life take me today? It’s my first day of shooting here in Kuala Lumpur. Feels very surreal doing my first ever acting stint abroad! It’s such an overwhelming experience to be able to work with international production and I really am grateful for it! So thrilled to announce that I’ll be part of the second season of #TheBridge. ????????.”

https://www.instagram.com/p/B5jvlqiAwUc/

Ayon sa ABS-CBN international production and co-production, kabilang si Joseph sa cast ng pangalawang season ng hit series na “The Bridge” sa ilalim ng produksyon ng Double Vision.

Joseph Marco is the only Filipino actor in the cast of HBO Asia’s The Bridge.

Ang “The Bridge” ay tungkol sa mga pulis mula sa iba’t ibang bansa na nagtutulong-tulong na tuklasin ang katotohanan sa pagkamatay ng isang taong hinati sa kalahati at iniwan ang mga labi sa border ng dalawang magkatabing bansa. Nakatakdang ipalabas ang “The Bridge” ngayong 2020 sa 24 territories.

Bago naman maging parte ng inaabangan international series, kamakailan lamang ay napanood si Joseph Marco bilang isa sa mga bida ng “Los Bastardos” na umere ng isang taon sa telebisyon. 

Salve Asis
Salve Asis
Salve Asis is an entertainment columnist and editor of Pilipino Star Ngayon and Pang Masa. A member of the Cinema Evaluation Board, she’s one of the founders and officers of the Society of Philippine Entertainment Editors (SPEED).

Latest

YOU MAY LIKE