Yam Concepcion nailang sa love scene kay Joseph Marco

-

Streaming na sina Yam Concepcion at Joseph Marco sa digital series ng iWant na Uncoupling.

Yam Concepcion and Joseph Marco star in the iWant digital series Uncoupling.

Mag-asawa ang karakter ng dalawa na kasalukuyan nang napapanood. Dahil nga couple ang role nila dito, marami-rami raw silang intimate scenes. Ang kuwento: Ilang taon nang sinusubukan ng high school sweethearts na sina Alex (Yam) at Carlo (Joseph) na salbahin ang kanilang relasyon at pamilya. Kaya naman bago ang anniversary nila, magdedesisyon ang dalawang buwagin ang pagsasama habang kasama pa rin ang anak.

Magsisimulang gumulo ang lahat dahil habang nakahanap na ng masasandalan si Carlo sa bago niyang girlfriend, patuloy namang makikipag-date si Alex habang dala-dala ang sakit na idinulot ng pagkalusaw ng kanilang relasyon.

“Si Joseph naman, very gentleman naman siya. Hindi naman siya ‘yung nambabastos. It was well-executed naman and of course, babae ‘yung direktor namin. So parang we were taken cared off,” kuwento ni Yam.

Hindi na bago si Yam sa pagpapa-sexy pero ayon sa kanya, ngayon lamang siya nailing sa paggawa ng sexy scene.

“Actually ‘yung love scene na ‘yon hirap na hirap ako. Di ba ang dami ko naman nagawang love scene pero with this one, hindi ko alam medyo naiilang ako na parang natatawa for some reason. Hindi naman sa hindi ko sineseryoso pero parang ang weird,” kwento ng sexy actress.

Paliwanag naman ni Joseph, “May mga time na nawawala ako sa scene. Then nare-realize ko na, ‘Am I showing too much?’ Kasi siyempre ‘yon ka eh, you wanna look natural at it is. So parang mixed feelings na parang hindi mo alam kung ano ang mapi-feel mo and maya-maya maiilang ka na parang ang dami palang tao. Tapos bigla ka na lang mako-conscious.”

Ipinorodus ng iWant at Big Reveal Entertainment ang Uncoupling.

Idinirek ito ni Dwein Baltazar, ang direktor ng iWant original series na Past, Present, Perfect?, nagsulat ng blockbuster movie na Exes Baggage at nagwagi ng Best Director at Best Screenplay para sa pelikulang Gusto Kita With All My Hypothalamus, ang itinanghal na Best Picture sa Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS) Awards 2019.

Debbie Castillo
Debbie Castillo
Debbie Castillo is Pilipino Star NGAYON’s assistant editor for entertainment. She is also a painter, make-up artist and works with some charitable organizations.

Must Read