Bianca Umali bibida sa HBO Asia series na Halfworlds!

Kinabog ni Bianca Umali ang ibang young actress matapos ibuko ng GMA Network na bibida siya sa third season ng HBO Asia’s dark action series na Halfwords na mag-uumpisang mapanood sa 2020.

Ito ang unang beses na magsu-shoot ang isang HBO Asia series sa Pilipinas. Magpapakitang-gilas din bilang director si Mikhail Red na siyang nag-direct ng Eerie at Birdshot.

Kamakailan lang ay naging kontrobersyal si Bianca dahil sa parking lot incident kung saan muntik daw nitong sagasaan ang rumored boyfriend na si Ruru Madrid dahil sa selos. Never nagsalita si Bianca tungkol dito. After a week ay idinenay naman ito ni Ruru.

Scroll to Top