Anak ni Ina pinagpiyestahan ang kaseksihan

BY MAE MERCADO

Trending ngayon ang pre-debut video na Erika Rae Turns 18 ng panganay na anak ni Ina Raymundo na si Erika Rae Poturnak para sa kanyang 18th birthday na gaganapin sa October 19.

Sa nasabing video makikita ang mga daring na suot nito na puro naka-bikini lang at talagang lantad na lantad ang katawan.

Sa isang kuha ay mapapanood mong nasa isang ilog siya kung saan nakahiga sa buhanginan at batuhan, habang sa ibang kuha naman ay nasa tila isang kwarto siya at nagsasayaw nang naka-heels at nakapang-sexy pa ring damit.

As of this writing, meron nang 35k likes, 10k comments at 21k shares ang nasabing video na ipinost ng Nice Print Photography sa kanilang Facebook account.

Samantala, matatandaan noon na kahit sikat si Ina ay hindi niya masyadong ipino-post ang pictures ng mga anak, lalo na ng kanyang panganay. Ayaw daw kasi nito na masyadong ma-expose sa publiko. Pero ngayon daw ay “right time” na, proud niyang inilabas ang sexy photos ni Erika.

“During her early teenage years, Erika didn’t want me to post any of her photos. She didn’t to be exposed because she wasn’t ready and I completely understood.

“Im so glad we waited for the right moment.

“Here she is… I’m going to support you all the way. Mama loves you,” mensahe ni Ina.

Lima ang anak ni Ina sa kanyang asawa na isang Canadian-Ukranian businessman na si Brian Poturnak. Ito ay sina Erika, Jacob, Anika, Mikaela at Minka Poturnak.

Ganunpaman, hindi pinabayaan ni Ina ang kanyang pangangatawan at napanatili pa rin niya ang alindog at kaseksihan na namana ng kanyang panganay na anak.

Scroll to Top