Kim Atienza earns certificate as a mental wellness facilitator

-

Isa nang ganap na mental wellness facilitator ang TV personality na si Kim Atienza.

Ito ay matapos niyang makumpleto ang eight-hour workshop sa Mental Health First Aid ng DMR Psychological Services.

“Done. Salamat Lord,” pahayag ni Kim sa kanyang post sa social media platform na Threads.

Sa kanyang certificate, makikita nang magbigay si Kim ng mental health support para sa mga individuals na nakaka-experience ng mental health crisis.

“DMR Psychological Services certifies Kim Atienza as a Mental Wellness Facilitator who is trained and capable of providing mental health support to individuals experiencing a mental health crisis,” saad sa nasabing certificate.

Matatandaan na nakilala si Kim sa kanyang advocacy na “little kindness everyday” matapos pumanaw ang kanyang anak na si Emman noong October 2025.

Parte ng kanyang advocacy ang tumulong sa mga indibidwal na nakaka-experience ng depression, anxiety at iba pa.

Kaugnay nito, matatandaan na makailang beses na rin nag-viral si Kim dahil sa kanyang pagtulong sa mga netizens.

Sa katunayan, noong Marso ay inimbitahan ni Kim ang isang netizen na maging live guest niya sa programa na “TikTokClock.”

Ito ay matapos makita ni Kim ang cryptic post nito sa Threads.

Maliban dito, nito lamang din Marso, nag-offer si Kim na magbayad ng consultation services para sa isang netizen na nakaka-experience ng depression.

“I’m actually going to take some classes in counseling because so many people approach me now because dun sa nangyari kay Emman, people I don’t know who are also suicidal, who also have mental health problems,” wika niya sa isang panayam.

“I think dun ako dinadala ni Lord din eh, naging parang magnet ako sa ano eh, magnet ako sa mga taong nangangailangan ng advice sa mental health,” dagdag pa niya.

Regine Caldona
Regine Caldona
Regine Caldona is a chronically-online content producer. She loves vibing to feel good K-pop songs.

Latest

YOU MAY LIKE