Isa nang ganap na mental wellness facilitator ang TV personality na si Kim Atienza.
Ito ay matapos niyang makumpleto ang eight-hour workshop sa Mental Health First Aid ng DMR Psychological Services.
KUYA KIM IS NOW A MENTAL WELLNESS FACILITATOR
— Pilipino Star Ngayon Digital (@psngayondigital) April 27, 2026
Isa nang ganap na mental wellness facilitator ang TV personality na si Kim Atienza matapos niyang makumpleto ang eight-hour workshop sa Mental Health First Aid. pic.twitter.com/U9EoY5kbVE
“Done. Salamat Lord,” pahayag ni Kim sa kanyang post sa social media platform na Threads.
Sa kanyang certificate, makikita nang magbigay si Kim ng mental health support para sa mga individuals na nakaka-experience ng mental health crisis.
“DMR Psychological Services certifies Kim Atienza as a Mental Wellness Facilitator who is trained and capable of providing mental health support to individuals experiencing a mental health crisis,” saad sa nasabing certificate.
Matatandaan na nakilala si Kim sa kanyang advocacy na “little kindness everyday” matapos pumanaw ang kanyang anak na si Emman noong October 2025.
Parte ng kanyang advocacy ang tumulong sa mga indibidwal na nakaka-experience ng depression, anxiety at iba pa.
Kaugnay nito, matatandaan na makailang beses na rin nag-viral si Kim dahil sa kanyang pagtulong sa mga netizens.
Sa katunayan, noong Marso ay inimbitahan ni Kim ang isang netizen na maging live guest niya sa programa na “TikTokClock.”
Ito ay matapos makita ni Kim ang cryptic post nito sa Threads.
Maliban dito, nito lamang din Marso, nag-offer si Kim na magbayad ng consultation services para sa isang netizen na nakaka-experience ng depression.
‘I HEAR YOU AND I FEEL YOU’ 🥺🫂
— Pilipino Star Ngayon Digital (@psngayondigital) March 17, 2026
TV host na si Kim Atienza, sinagot ang gastusin para sa psychiatric consultation ng isang netizen.
“Anyone na psychiatrist po? Need ko po consultation now kahit online. Please,” tanong ng isang netizen. pic.twitter.com/gij3SsY8eW
“I’m actually going to take some classes in counseling because so many people approach me now because dun sa nangyari kay Emman, people I don’t know who are also suicidal, who also have mental health problems,” wika niya sa isang panayam.
“I think dun ako dinadala ni Lord din eh, naging parang magnet ako sa ano eh, magnet ako sa mga taong nangangailangan ng advice sa mental health,” dagdag pa niya.