A crying toddler has gone viral on social media after bidding goodbye to her OFW grandfather, who works in Riyadh, Saudi Arabia.
The heart-pinching moment left the social media community ‘senti’ as they watched Baby Zaira cry while she and her family dropped off her Lolo Noel at a bus station in Clark.
“Nung time po ‘yun, ano, ihahatid po namin ‘yung lolo niya. Hindi po ‘yun sa airport, diyan lang po sa point to point [bus], sa Clark. Mas mahirap daw po ngayon ‘yung pakiramdam kasi apo daw po ‘yung umiiyak. Napapaiyak din po siya pero hindi na lang niya pinakita nung umalis na lang din po siguro siya. Pabalik-balik nga po siya noon eh kasi hindi pa umaalis ‘yung bus po,” Zaira ‘s Mother, Michelle Piring, told The Philippine STAR.
Lolo Noel works as a cook in Saudi Arabia. He has been able to provide for his family and support his four children after nearly two decades as an OFW. He usually comes home every two years for vacation.
“Bilang OFW, malayo, mahirap sa pamilya. Pero kinakaya para sa kanila. Sa 18 years na OFW, mas mahirap kasi may apo na akong umiiyak ‘pag pabalik ako sa abroad. Nung nakita ko po ang iyak ng apo ko, sobrang bigat po ng loob ko. Nung time na ‘yun, gusto ko na ‘di tumuloy. Pero kailangan,” Lolo Noel narrated his experience working miles away from his family.
According to Mommy Michelle, Lolo Noel and Baby Zaira became close during his recent vacation.
“Nung umalis po kasi siya noon, ano po, baby pa po siya noon, two months old pa lang po siya tapos every two years po kasi umuwi ‘yun si lolo niya. Ngayon umuwi po siya, two years old na po siya,” she shared.
Adding, “‘Pag umuuwi po ‘yun, sobrang maasikaso po sa mga apo ‘yun eh. Lalo na po, pangalawang apo po siya, si Zaira. Siya po ‘yung nagbabantay, siya po ‘yung nagpapaligo sa kanila. ‘Yan po, Siya po ‘yung nagbibihis. ‘Yung mga anak ko, ‘yun po talaga ‘yung pinakaunang apo niya.”
Mommy Michelle said that they got used to saying goodbye to her father-in-law. But admitted it was heartbreaking to see her emotional daughter.
“Nasanay na lang din po siya na ganun po ‘yung laging set up nila. [07:42 – 07:50] Lagi na po namin siyang hinahatid. Pero ngayon lang po may apo talaga na gano’n ‘yung iyak niya. Naiiyak na medyo natutuwa kasi ganun po ‘yung reaction niya sa lolo niya po nung umiiyak,” she said.
“Nakita po naman po sa video, binuhat po siya ng lola niya po tapos nag-ease na rin po ‘yung pakiramdam niya. Tapos inano na rin po namin siya na lumabas na lang tayo mamaya. Ganun, para mawala po ‘yung lungkot niya,” she added.
Their family hopes that one day, Lolo Noel can stay with them for good and retire from working as an OFW.
“Ang daming naka-relate po syempre sa mga madami pong OFWs kaya ganun po siguro. Sa mga OFW families po, saludo po ako sa inyo kasi kahit na po magkakalayo kayo, nagkakaisa pa rin po kayo, nagmamahalan. Pa, ingat po kayo palagi diyan. Lagi n’yo pong iingatan ‘yung sarili n’yo. Mahal na mahal po namin kayo,” she stressed.
For his part, Lolo Noel left a message for OFW families and his granddaughter, “Patuloy lang tayong mangarap para sa ikakabuti ng pamilya at magdasal tayo palagi. Ilayo tayo sa kapahamakan. Sa apo kong si Zaira, Magpakabait ka lagi apo. Mahal na mahal ko kayong lahat.”