Sa darating na December 8, kokoranahan nang muli ang bagong Miss Universe kung saan ang pambato nating si Miss Universe-Philippines Gazini Ganados ang lalaban. Gaganapin ang Miss Universe 2019 coronation night sa Atlanta, Georgia.

At imbitado ang Miss Universe 2015 na si Pia Wurtzbach na dumalo sa coronation, pero nag-beg off daw ito dahil sa trabaho.

Tinanong ng isang netizen kung nakakuha na raw ba ito ng ticket para sa nasabing pageant at agad niya itong sinagot:

“My travel show was invited by the tourism board of Japan to feature a festival in Fukuoka.

“Our working visas were released already before MUO announced the date and venue.

“MUO invited me to be a backstage host with CHI and I really want to! BUT it would also be impolite of me to cancel my trip to Japan.

Government invitation ‘yun. At may mga visa na kami.

Sayang. If I had known sooner baka nagawan ko ng paraan,” panghihinayang na paliwanag ni Pia sa nagtanong na netizen.

Gusto nga raw sana nito na i-cheer si Gazini at masaksihan din at the same time ang farewell walk ng kaibigang si Miss Universe 2018 na si Catriona Gray.

Samantala, walang tigil naman daw na pagte-training ang ginagawang paghahanda ni Gazini para maiuwi ang korona. Ine-enjoy na lamang daw niya ang proseso para hindi siya masyadong ma-pressure.

Kamakailan lang ay ipinost na sa official Facebook page ng Miss Universe ang photos ng 90 na naggagandahang kababaihang rarampa sa nasabing contest, at nangibabaw si Gazini.

Umani ng 71k likes at 4.1k comments ang kanyang photo.

Umaasa ang mga Pinoy na masusungkit muli ng Pilipinas ang panalo at matutulad ang kapalaran ni Gazini kay Catriona.